Category Archives: Buhay Pilipino

Be the Change

It is a dis­hear­ten­ing fact that I live in a co­unt­ry where peo­ple be­little them­selves when it comes to their ab­il­ity to create chan­ge. It is even more dis­hear­ten­ing that in times of dis­tress, the Filipino peo­ple choose to not rise up and use their co­untless God-given rights as means of em­power­ment.

These rights, which peo­ple of sever­al co­unt­ries envy, are more than en­ough to bring our ail­ing co­unt­ry an al­levia­tion. Yet most in­dividu­als use these rights not for the good of our na­tion, but rath­er to violate Her constitution.

But what irks me most about the co­unt­ry is how often we ig­nore sim­ple rules. No jaywalk­ing should mean no jaywalk­ing. When the stop light is red, there should­n’t even be a single vehic­le cross­ing that white line. No lit­ter­ing should mean just that. And is it rea­l­ly that dif­ficult to find a re­stroom, that we (and some women for that fact) just de­cide to urinate at whatev­er wall, post, or open canal we see? Maybe it’s be­cause we have to pay to even just use pub­lic re­strooms right? And when walk­ing on the streets, is it too much to ask for an “ex­cuse me” in­stead of bump­ing and shov­ing with­out the “I’m sorry” af­terwards? I know a lot of you know what I’m talk­ing about. And I’m not try­ing to make generaliza­tions, but let’s face it, we as a peo­ple are not dis­cip­lined.

Howev­er, this is mere­ly my own op­in­ion. This op­in­ion does not apply to all Filipinos, as at­tested by the fact that a small han­d­ful of in­dividu­als wholehear­ted­ly un­derstand the true mean­ing of being uni­ted in pro­gress. This small han­d­ful of in­dividu­als un­derstand the cur­rent status of our co­unt­ry and have a full grasp on the pro­p­er ide­als and mor­als of a tried na­tion. This group of open-minded and log­ical Filipinos pos­sess the think­ing, which the co­unt­ry needs in order to lift her out of dark­ness.

Most Filipinos say, “we want chan­ge.” Even more Filipinos shout, “we need chan­ge!” Yet in the face of ad­vers­ity, the Filipino peo­ple fail in ex­er­cis­ing their rights and just say, “we can’t.” The ideal Filipino would neith­er say nor shout about the chan­ge they wish to see, but rath­er would simp­ly go out and do some­th­ing about it.

Every­one knows that chan­ge is in­evit­able. Howev­er, it re­quires the pro­p­er “push” in order to get the ball roll­ing, so-to-speak. The con­cepts that chan­ge is hard to come by and that chan­ge is too big of a task to be ac­complis­hed by just one in­dividu­al, are cer­tain­ly false mis­con­cep­tions.

Every per­son has the willpow­er to in­itiate a com­plete soci­al trans­for­ma­tion, one small step at a time. Each step may be some­th­ing sim­ple, or each step may be a bit more com­plex. But our co­unt­ry and its peo­ple can­not af­ford to be any more com­pla­cent than it al­ready is. We are on the brink of com­plete un­derac­hieve­ment on a glob­al scale; a rath­er em­bar­rass­ing fact given the numb­er of re­sour­ces our co­unt­ry pos­sesses.

Be pro­ac­tive, be re­spon­sible, and be an ad­vocate for soci­al chan­ge.

For every oc­cas­ion that you walk past a homeless man, ig­nore that small piece of trash, for­get to say ex­cuse me, please and thank you… you un­der­value the power of small acts of kind­ness. And ul­timate­ly, you un­der­value your own capabil­ity of in­spir­ing chan­ge.

The idea of creat­ing a chan­ge does not al­ways have to start on a large scale. The small spark of hope in each in­dividu­al, is more than en­ough to ig­nite and re­kindle the soci­al flame of em­power­ing the mas­ses. It is with­in these small acts of kind­ness wherein we, as a society, can lig­ht­en the burd­en of our fel­low Filipinos, even for just a brief mo­ment.

I am no one speci­al, I’m not fam­ous or rich or whatev­er, so I cer­tain­ly do not have much of an in­flu­ence on the en­tire co­unt­ry. But if there’s some­th­ing I do pos­sess, is that I have the drive and the pass­ion of want­ing to see any sort of im­prove­ment in this co­unt­ry. Wheth­er it be in the qual­ity of life, the gover­nance of our de­moc­ra­cy, or even the rise of our economy.

This is the land of my an­ces­tors and my cur­rent home. I can­not stand on the sidelines and watch it be put to waste by its very own peo­ple. Even if I may be young and just a mere student, I will do all I can to em­pow­er my genera­tion in work­ing towards soci­al chan­ge. It isn’t just the co­untry’s fu­ture at stake, but rath­er my en­tire fu­ture as well.

It’s high time to let your voice be heard. It has been long over­due for the peo­ple to fin­al­ly wake up and rea­l­ize that the govern­ment can­not face the chal­lenges of the na­tion on its own. Every ef­fective govern­ing body in the in­ter­nation­al scene has loyal­ty and ac­tive par­ticipa­tion from the gover­ned. Be­cause ul­timate­ly, the peo­ple are the ones who rule them­selves and have the power to lead the co­unt­ry.

I still have high hopes for this co­unt­ry and I have com­plete faith to its peo­ple. I look for­ward to the day when the co­unt­ry can once again stand among the elites of the world and wear its col­ors high and proud. And I cer­tain­ly look for­ward to the day when I can honest­ly and shameless­ly say that I love this co­unt­ry and I am proud to be a Filipino.


Filipinos should adapt the correct attitude

Corruption can be minimized if we really wanted to but not totally to be eradicated.

Some people said corruption is the cause of poverty. Other said that corruption is a symptom of poverty. Some international scholars stressed that “Corruption, lack of education, and lack of opportunity cause poverty”. Corruption include graft, bribery, embezzlement, backdoor deals, nepotism and patronage.

Because Corruption had become a trend in our country Philippines – some economist experts advice that in order to Fight Poverty – the Filipinos should adapt the correct attitude. Some Executives from rich countries who communicate with their counterparts in poor countries stressed that there is no significant intellectual difference. Race or skin colors are also not important: immigrants labeled lazy in their countries of origin are the productive power in rich European countries.

What is the difference then? The difference is the attitude of the people, framed along the years by the education and the culture and flawed tradition. The behaviors of the people in rich and developed countries are greatly followed the following principles in their lives such as:

  1. Ethics, as a basic principle.
  2. Integrity.
  3. Responsibility.
  4. Respect for the laws & rules.
  5. Respect for the rights of other citizens.
  6. Work loving.
  7. Strive for savings & investment.
  8. Will of super action.
  9. Punctuality.
  10. And of course, Discipline.

Philippines is not poor because we are lack of natural resources or because nature was cruel to us. In fact, we are supposedly rich in natural resources. We are poor because we are lack of correct attitude. We lack the will to comply with and teach these functional principles.

Kabataan: Pag-asa pa ba ng bayan?

“Children today are tyrants. They contradict their parents, gobble their food, and tyrannize their teachers.” ~ Socrates

Mga kabataang kakaiba at nakakabahala na ang ugali at kilos. Mga kabataang hindi lang basta kabataan. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Sila ngayo’y mapupusok, matatapang, walang takot, walang pakundangan, walang pakialam. Nagbago na nga ang mundo.

Sa murang edad na nasa elementarya pa lamang mga batang lalaki ay walang takot na ihahayag, ilalantad at ipapaskil ang kanilang kabadingan na pilit noong itinatago hangga’t maaari. Matatapang na ibi-video ang sarili nakapusturang babae, nakatikwas ang daliri at buong giting na ihahayag ang malalaswang nais sabihin ng isip. Hindi ko alam kung sino o ano ang nag-impluwensiya sa kanila para magkaroon ng ganito kalakas ng loob para ipangalandakan ang napakamurang kalandian. Sa unang tingin, oo nakakatuwa pero kalauna’y hindi mo maiiwasang mapailing. Hindi ko nais na husgahan ang pagiging bakla nila pero talaga lang na nakakabahala. At hindi ka ba mababahala kung aksidenteng makita at mapanood mo sa Youtube na isa sa mga “rumarampang” ito’y anak mo? Saka mo sasabihing hindi ito nakakatuwa.

Sa halip na nasa bahay na nagbabasa ng aralin kasama ang pamilya, marami ang mas nanaising magpunta sa computer shop at maglalaro ng on-line games, mag-uubos ng mahabang oras sa Chat o sa Facebook, o kaya pasimpleng tatambay lang ng napakatagal. Magsasayang ng oras at perang pinagpagurang ng kanilang mga magulang. Kung ang bahay mo’y malapit sa isang computer shop alam mong kahit anong oras ay lagi itong puno at kabataan ang laging laman nito. Hindi masama ang mag-internet, mag-computer o maglaro pero ang lahat ng kalabisan ay masama. Mabuti sana kung ang sipag nilang magtungo sa ganitong lugar ay tinutumbasan din nila ng ganoong sipag sa pag-aaral.

Kapansin-pansin na rin na mga kabataan na rin ang nai-involve sa iba’t ibang krimen na hindi lang sa Kamaynilaan kundi sa halos lahat na yata ng panig ng bansa. Mga batang snatcher, jumper boys o batang hamog, mga kabataang ginagamit ng sindikato at meron ding sa murang edad ay sila mismo ang namumuno nito, mga kabataang miyembro ng kung ano-anong gang at walang takot na makikipagrambulan sa mga nakakaaway. Napakatatalinong ipapamukha sa’yo na hindi sila pwedeng ikulong dahil sa umiiral na batas (RA9344- Juvenile Justice and Welfare Act of 2006), halos isampal na sa mukha mo ang dala nilang mga birth certificate katunayang sila ay sakop ng batas. Uulitin ko hindi sila pwedeng ikulong kahit sila’y miyembro ng carnapping syndicate, nagnanakaw o pumapatay. May gatas pa raw sa labi pero alam na kung paanong magnakaw at pumatay.

Kung dati ‘pag may kaguluhan sa isang komunidad alam mo na agad na ang pasimuno’y mga adik na nagtitrip, mga lasenggong nagkapikunan o mga sigang maaangas. Sa modernong panahon ngayon mas malaki na ang porsyentong ang mga kabataan ang nag-umpisa ng gulo. Mas mahirap pa sawayin at supilin dahil kumakasa at walang preno sa pagmumura. Hawak ay sumpak, bote, tubo, bato at ihahagis ito ng walang pakialam kung sino ang tamaan. Hindi rin nila balak makipagsundo o makipagbati sa mga nakaalitan dahil ang plano nila’y rumesbak. Walang katapusang resbakan.

Pabata na rin ng pabata at tila sobrang maagang nahilig sa alak at sigarilyo ang mga modernong kabataan. Kung hindi mo ito napapansin siguro ay magandang obserbahan mo ang paligid mo. Mga teenager na kung makahitit ng yosi ay said na said hanggang ‘dulo. Kay sasarap ng buhay na nakapagtatakang sa kabila ng kahirapan ng buhay ay laging may tangang yosi lalo sa gabi. Kapartner ng kwentuhan at ng yosing hinihitit ay ang umaatikabong inuman. Hanggang madaling-araw na lasingan lalo kung araw ng Biyernes o Sabado. Tila hindi makaporma ang mga magulang sa tigas ng mga ulo ng mga kabataang ito na karamiha’y magagaling mangatwiran at rebelde ang panakot kung sakaling mapagsabihan. At hindi lang mga kabataang lalake ang nasa umpukang inuman makikita mo ring nakiki-kampai ang mga kasing-edaran nilang mga kababaihan. Nagbago na nga siguro ang panahon at hindi ka sunod sa uso kung hindi ka marunong mag-yosi at tumoma.

Kung pag-uusapan na rin lang ang uso, uso na rin sa kabataan ang maagang mamulat sa SEX. Mga kabataang animo’y inosente, mga kabataang kung pagmamasdan mo’y ‘di gagawa ng kalokohan pero marunong na pala ng sex o kaya’y mga kabataang babae na hindi nahihiyang magpaskil sa internet ng kanilang (halos) hubad na larawan. Liberated na nga sila. Kung malaking bahagi ng maagang pagkamulat ng kabataang ito ang malayang teknolohiya o mga programa sa TV na may temang pakikipagrelasyon o sekswalidad ‘yun ang hindi natin alam. Marami-rami na ring kabataan ang nasira ang kinabukasan dahil sa maagang pagkamulat dito. Ayon sa pag-aaral, halos kalahating milyong sanggol ang pinaa-abort taon-taon ilang porsyento kaya dito na ang kabataan ang may gawa? Mga liberated na pag-iisip pero hindi naman kayang pangatawanan ang resulta ng kanilang pagiging mapusok. Asahan mo nang marami sa kabataang ito na maagang nabuntis o nakabuntis ay hindi magiging ganoon kadali ang buhay-pamilya dahil hindi nagawang mairaos ang pag-aaral.

Maibabalik pa ba natin ang dating Kabataang Pinoy? OO.

Oo nga’t pagbabago ang dala ng mga Kabataan, ngunit hindi ganito ang nararapat. Ang pagbabago dapat ay may kaakibat na magandang kaugalian ng nakalipas, na magiging basehan ng mga susunod na henerasyon.

Ibalik natin ang mga panahong konserbatibo pa ang lipunan, mga edukadong kabataan at disiplinadong mamamayan. Ang mga ito ay maaaring nakalipas na, ngunit kung muling isasabuhay natin, susunod sa yapak natin ang mga mas nakababata sa ‘tin. Tutularan nila tayo dahil may konti pa tayong hiya, iidolohin tayo dahil disiplinado at sumusunod tayo sa mga nakakatanda, at gagalangin at rerespetuhin nila tayo dahil may karunungan tayong tinataglay, na sa balang araw ay makukuha rin nila.

Gawin nating inspirasyon ang ating mga sarili, tayo ang mag-iilaw sa ngayo’y tinatahak nilang maling landas. Disiplinahin sila sa tamang paraan, upang sa ganoo’y maramdaman nila kung gaano sila kahalaga sa bayan.

Imulat natin sa kanila na ipinanganak sila para pagsilbihan at paunlarin ang bansa, silang mga susunod na lider at magseserbisyo ng tapat na may pagmamahal sa bayang sinilangan.

Kung naniniwala kang pag-asa ng bayan ang Kabataan, gabayan natin sila. Huwag nating hayaang tahakin nila ang baluktot na landas at ituro natin sa kanila kung nasaan ang daan tungo sa pagbabago, kaunlaran at katiwasayan, ang tuwid na landas.

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng pagka-Pilipino


Noong nakaraang taon, ang ating Wikang Filipino ay nagsilbing ilaw at lakas sa pagbagtas sa tuwid na landas. Ngayon, ang katatagan ng Wikang Filipino ay ang ating lakas sa pagiging Pilipino. 

Agosto na naman, at muli nating sinasariwa at binibigyang-halaga ang ating wikang pambansa, na importante para sa nagkakaisang bansa. 

Sa panahon ng makabagong teknolohiya at globalisasyon, ang ating wikang Filipino ay napapagitnaan ng napakaraming wika mula sa ibang bansa, at minsa’y ang ibang wika ang pinapahalagahan kesa sa ating sariling wika. 

Ang pagkakaroon ng sariling wika ng isang bansa ay taas-noo para sa mamamayan nito, dahil tayo’y nagkaisa noon na magkaroon ng wikang pambansa upang makisabay sa gulong ng buhay at ipagmalaki ang ating lahi. Ang wikang pambansa ay kayamanan ng isang bansa, hindi ito matutumbasan ng ginto o salapi, hindi rin mananakaw dahil kakalat lang ito at lalago pa ang magbibigkas nito. Ngunit, nagbabadya ang ating pambansang wika – ang Filipino na maalis sa trono ng wikang pambansa, dahil sa mga wikang banyagang unti-unting ginagapang ang ating bayan at iniimpluwensyahan ang sambayanan. 

Kahit nahaharap sa krisis ang katatagan ng ating wika, ang ating pagka-Pilipino ay patuloy na nananaig dito man sa Pilipinas o kaya sa iba’t-ibang ibayo ng mundo. Nandyan ang ating mga OFWs, maliban sa pagtatrabaho para sa kanilang pamilya, kanila ring ipinagmamalaki ang kanyang bansa – at pati na rin ang sariling wika. Sa mundo ng internet, ang mga websites tulad ng Facebook, Twitter, at Google ay maaari mo nang magamit sa wikang Filipino, kaya huwag nang mag-alala dahil hindi ka makaintindi ng mga banyagang salita, gamitin na ang sariling wika! At sa paglalahad ng mga opinyon, balita, at mga nangyari sa iyong buhay, pwedeng-pwede mong gamitin ang Filipino, dahil alam mo bang mahigit 30 milyong Pilipino na ang gumagamit ng internet

Sa panahon ng makabagong teknolohiya kung saan mga iba’t-ibang lengwahe ang nangingibabaw, huwag mag-alinlangan, at ipaglaban ang nakasanayang wika – ang Filipino. Kaya nating maipagmalaki ang ating sariling wika  – saan man, kailan man, at sa napakaraming paraan. Gamitin natin ang wikang pambansa, maging ilaw man at lakas sa tuwid na landas, o susi sa pagka-Pilipino. 


Tara na sa ‘Filipinos for Change’!

Mag-iisang taon na ang nakalilipas nang aming ilunsad ang The Filipino Servant. Mula January hanggang October ng 2011 ay nakagawa ang TFS ng mahigit 100 kwento ng pag-asa, pakikibaka at pagbabago. Pinagserbisyuhan ang mahigit 10,000 katao at dumarami pa hanggang ngayon at nagbigay inspirasyon sa sambayanang Pilipinong uhaw sa pagbabago.

Nakagawa ang The Filipino Servant ng mga artikulo na pumukaw sa mga Pilipino, katulad ng aming istorya tungkol sa pagpapahalaga sa ating Wika, ang Filipino na ginawa sa panahon ng ating pagdiriwang ng buwan ng wika. Amin ring ipinagmalaki at pinarangalan si Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang ika-150 taong kaarawan nito. Sa kainitan ng debate tungkol sa kontrobersyal na RH bill, naging kakampi ng mga pro-RH ang TFS. Pinaiyak kayo at naantig sa istorya ng mga matatandang inabandona na ng kanilang mga kaanak at lumaki mula sa kahirapan, ngunit patuloy pa ring naghihirap. At sinong makakalimot nang inihatid namin sa inyo ang balita tungkol sa magnitude 9 na lindol at tsunami na tumama sa Japan? Marahil maliban sa mga artikulong ito ay may nagustuhan pa kayo. 

Ang TFS ay naging matagumpay sa pagtakbo nito, ngunit gusto pa nitong lumawak para pagserbisyuhan ang mas nakararaming Pilipino at hikayatin silang makilahok sa pagbabago.

Kaya noong October 2011 ay inilunsad namin ang Filipinos for Change. Hindi ‘to nalalayo sa TFS dahil ang pakay nito ay ipagpatuloy ang nasimulang pagbabago at bigyang pag-asa ang mga kababayang lugmok pa rin sa kahirapan at bayan patuloy na dumadanas ng epekto ng katiwalian. Masasabi naming TFS 2.0 ang Filipinos for Change dahil maliban sa mga kwento ng pag-asa na nalimbag nito, ay hatid pa nito ang mga pinakasariwang balita sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng news arm nitong Philippine News Online. Layon ng Philippine News Online pagsama-samahin ang mga nakalap na balita ng mga bigating news organization ng bansa at ihatid ito sa mga Pilipino sa internet. 

Sa aming mas pinalawak na pagseserbisyo sa inyo, hatid namin ang pagbabagong malapit niyo nang makamtan at pagbangon mula sa kahirapan. Sa tulong ng makabagong teknolohiya ay mabilis naming naihahatid ang mga kwento ng pag-asa. Ngunit sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa, pagsisikap na magtrabaho, at pakikilahok sa pagbabago ay mabilis makakamtan ng Pilipinas ang kaunlarang ating hinahangad. Kaya tara na sa Filipinos for Change! Kung saan tayo ang magsisimula ng pagbabago! 

Maraming salamat po sa patuloy na tumatangkilik sa The Filipino Servant, amin pa rin pong pananatilihing bukas ang blog na ‘to. 

Ang Pilipinas sa ilalim ng Martial Law

Marami pa ring kababalaghan at katanungan ang bumabalot sa pagdedeklara ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Halina’t siyasatin natin kung ano ba ang nangyari sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar.

Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.

Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na ‘iligtas’ ang republika mula sa mga masasamang elemento at bumuo ng ‘Bagong Lipunan’. 

“Iligtas ang Republika”

Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng mga grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay pinagbintangan kaya ang iba sa kanila’y sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.

Bagong Lipunan

Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga niya ang lipunan dahil takot na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan – nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati’y may ligalig at karahasan. 

Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang “PLEDGES” na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan).

Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan.

Ang kanyang ‘Bagong Lipunan’ ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang utos niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan. 


Marami ngang nagawa, mas marami pa ang ninakaw sa kaban ng bayan

Oo’t marami nga siyang nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan ang San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, ang mga programang Green Revolution, reporma sa Lupa, North Luzon at South Luzon Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang mga bilihin noon kesa bago pa at pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng pamahalaan ang mga nagtitinda na panatilihin sa mababang presyo ang mga bilihin upang mas maging epektibo ang “Bagong Lipunan”. Ngunit sa mga iba niyang proyekto ay sukdulan ang paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang ekonomiya kaya noong pinatalsik siya, pinabagsak nila ng husto ang ekonomiya ng bansa.

Pagbabago sa Pamahalaan at Saligang Batas

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula nang ipahayag ang Martial Law. Ang Kongresyo na siyang gumagawa at bumabalangkas ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso. 

Agad na ipinabuwag ang Saligang Batas ng 1935 at dagliang gumawa ng Kumbensyong Konstitusyonal na siyang gagawa ng bagong saligang batas. Ilan sa mga delegado sa kumbensyon ay sina dating Pangulong Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal, ang ilang mga kasapi ay mula sa pampublikong sektor at simbahang Katolika. Kaya nang naiharap at naipasa kay Marcos ang saligang batas, naging magulo ang pamahalaan. Matapos maipasailalim sa bagong konstitusyon ang bansa, naging dalawa ang tungkulin ni Marcos, ang maging Pangulo at Punong Ministro, ang Kongreso’y napalitan ng Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller coaster, dahil sa magulong sistema ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente ang namatay dahil sa mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan ay naging death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga sinabi sa kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay nabahiran na ng dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081. 

Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak ang ekonomiya, hati ang pananaw ng buong populasyon at mga giyera dahil sa iba’t-ibang paniniwala. Nawalan ng pag-asa ang mga Pilipinong biktima ng Martial Law upang makabangon. 

Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa, dahil tayo rin ang uukit ng maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa ating mga sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran. Huwag na natin sayangin ang panahon at ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-isahin ang hangarin nating bagong Pilipinas. 


Congratulations Shamcey!

Another Filipina beauty shines at the Miss Universe 2011. Shamcey got the 3rd runner-up spot in the beauty pageant and thanked her supporters most from the online Filipinos who worked to make her number one in the online poll.

MANILA, Philippines – Miss Philippines Shamcey Supsup said it was a dream come true for her to enter the top 5 of the Miss Universe 2011 beauty pageant, and placing 3rd runner-up in the competition.

“I was so happy. I didn’t think that I would be actually part of 16 lang. I’m so happy and I owe it all to the Filipino people,” Supsup said in an interview on ANC’s Dateline Philippines.

“Hindi ko na ini-expect na makakapasok sa Top 5. It was a dream come true,” she added.

This year’s Miss Universe is Miss Angola Leila Lopes.

Miss Ukraine Olesya Stefanko was the first runner-up, Brazil’s Priscila Machado placed 2nd runner-up, Supsup placed third and China’s Luo Zilin was 4th runner-up

Supsup was one of the strongest contestants in the competition, topping the final fan rankings.

In the crucial question and answer portion, she said she would not change her religion just to marry the person she loves.

“If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me and I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too,” Supsup said.

Supsup hails from General Santos City, the same town as international boxing icon, Manny Pacquiao.

The Filipina beauty graduated magna cum laude from the University of the Philippines-Diliman with a degree in architecture. She also topped the June 2010 Architecture Licensure Examination in July 2010. —


Mga guro ng bayan: Unang nagpamulat ng matuwid na daan

Sila ang namuhunan para sa ating kinabukasan. Nagtuturo sila upang maging makabuluhan ang ating buhay. Pumapasok sila bawat araw dahil naniniwala silang tayo ang magiging pag-asa ng bayan. Itong post na ‘to ay para sa ating mga magigiting na gurong unang nagpamulat ng matuwid na daan.

Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito—”MARAMING SALAMAT PO!” Maraming salamat sa inyong mahabang pasensya para sa aming mga estudyanteng todo-kayod upang may kaalaman sa buhay. Maraming salamat sa inyo dahil handa ninyong isakrapisyo ang mga pahina ng buhay niyo upang may matutunan kami sa pang-araw-araw. At maraming salamat dahil nandyan kayo upang umagapay sa aming paglalakbay sa matuwid na daan.

Ang bawat kayod niyo ay parang medalya na sa amin dahil nandyan kayo’t tinuturuan niyo kami upang maging matagumpay balang araw. Ang bawat salitang lumalabas sa inyong mga bibig ay nagpapabago sa takbo ng aming buhay dahil taglay nila ang mga salitang makatutulong upang maging matiwasay ang aming buhay sa hinaharap.

Ang bawat pagsulat niyo sa pisara ay umuukit sa aming kinabukasan, ipinapakita ninyong handa ninyong ibigay ang mga oras ng buhay niyo upang makagawa ng matatalino’t matagumpay na kabataan.

Ang inyong pagdidisiplina ay lingid sa ibang kabataan ay isang abuso ngunit sa amin na taas-noo sa inyo ang pagdidisiplina ay isang tamang paraan upang mailayo kami sa baluktot na daan na maghahatid sa amin sa kapahamakan at kahirapan.

Para sa amin, hindi lang tuwing Oktubre 5, hindi lang mula Setyembre hanggang Oktubre na magpasalamat sa inyo kundi araw-araw dahil alam naming importante kayong bahagi ng aming talambuhay dahil kayo ang unang nagpamulat sa amin ng bayang may kakayahan, may kabayanihan at may kaalaman.

Ang inyong mga turo ay hindi namin babaliwalain kundi pagyayamanin dahil makapangyarihan ang bawat paksang ating pinag-uusapan at maaaring makapagpabago sa sarili, sa pamilya at sa lipunan.

Ang bawat sandaling lumilipas kasama kayo ay isang karangalan dahil nandyan kayo at handang turuan kami ng mga bagay na makakapag-angat ng aming pamumuhay.

Asahan niyong hindi masasayang ang inyong mga leksyon at aming uukitin ang aming pangalan kasama kayo dahil hindi lang kami ang pag-asa ng bayan kundi kayo rin. Kung wala kayo, walang mga Pangulo, walang manggagawa, walang social workers, walang siyentipiko, walang mathematicians at walang estudyante.

Kayamanan ang turing namin sa inyo, sana’y magsilbing kayamanan niyo rin kami na magpapayaman sa kaalaman ng bayan. Muli po, MARAMING SALAMAT dahil nandyan kayo upang baguhin ang lipunan at ang aming kinabukasan! 

Paghandaan ang panahon ng tag-ulan

ag-ulan na naman kaya kailangan maging handa sa mga posibleng dala nito. Sa panahong ito ay maraming bagyo ang tumatama sa bansa. Kaya importanteng paghandaan ang panahong ito upang mabawasan ang pag-aalala at maging ligtas sa mga sakunang dala ng tag-ulan.

Ito ang mga tips namin upang hassle-free at maging ligtas ngayong panahon ng tag-ulan:

  • Ayusin na ang mga butas sa bubong at mga crack sa bahay
  • Alisin ang mga nakabarang bagay tulad ng tuyong dahon o sanga sa alulod ng bahay
  • Magtambak ng mga buhangin sa mga mabababang bahagi ng paligid ng bahay
  • Sakaling may ikalawa o higit pang palapag ang bahay, iakyat na ang mga bagay na nasa ground floor upang hindi mabasa ng baha ang mga kagamitan
  • Linisin ang mga baradong kanal upang maiwasan ang pagbabaha
  • Ayusin at itago na ang mga mahahalagang dokumento sa waterproof box o lalagyanang hindi agad napapasukan ng tubig
  • Pag-aralan kung paano mapapatay ang kuryente sakaling bumaha sa bahay
  • Mag-imbak ng tubig at pagkain na tatagal ng 3 araw
  • Ihanda ang mga kakailanganing gamit sakaling lumikas
  • Sakaling mag-brownout, gumamit ng transistor o de-bateryang radyo at flashlight
  • Manatiling makinig at manood ng mga balita sakaling may bagyong paparating
  • Maghanda ng first aid kit sakaling may masamang nangyari sa isa sa mga kasama sa pamilya o kaibigan ay agad malulunasan
  • Maglaan ng pera upang may panustos
  • Panatilihing naka-charge at may load ang cellphone upang magamit sakaling may kokontakin upang hingin ng tulong. I-save sa cellphone ang mga mahahalagang hotlines na ito:
    • PNP : 117
    • PHL RED CROSS : 143 /  527-0000
    • PHL COAST GUARD : 527-6136 / 328-1098 / 527-8481
    • NDRRMC : 911-1873 / 912-5296
    • MMDA : 136 / 8820860 / 8966000
    • PAGASA : 433-8526
    • MERALCO : 16211
    • MAYNILAD : 1626
    • MANILA WATER : 1627
    • DepEd : (032) 632-1361 to 71
    • CHED : 636-1694
Sundin lamang ang mga tips naming ibinigay upang mapanatiling ligtas ang ating sarili pati na rin ang mga mahal natin sa buhay. Iba na ang parating handa kaya paghandaan natin ang panahon ng tag-ulan.

Bayani ng Bayan: Gabay ni Juan sa matuwid na daan

Sila ang mga gumawa ng kagitingan sa oras ng pangangailangan. Nakipaglaban laban sa mga manlulupig, tumulong sa mga nangangailangan at nawalan ng pag-asa at inuna ang bayan kesa sa sarili. Tinatawag natin silang mga ‘bayani’. Sila ang ating gabay sa matuwid na daan.

Tuwing dumarating ang huling Lunes ng buwan ng Agosto, atin silang sinasariwa at pinapasalamatan dahil sa kanilang pagkamartyr at pagliligtas sa ating bayan. Pero ang isang araw ay kulang pa upang sila’y pasalamatan at gunitain. Dapat silang isipin araw-araw dahil sila ang ating inspirasyon sa bawat nating gawain na kung saan ang bayan ang nakikinabang.

Rizal, Bonifacio, Ninoy, Gregorio, at Lapu-Lapu. Sila ang parati nating naiisip sa tuwing nabibigkas o nakikita ang salitang ‘bayani’. Sila kasi ang nagligtas sa atin noong ang mga panaho’y ang bayan ay nasa bingit ng panganib. Nagpakabayani sila upang iligtas tayo mula sa mga mang-aapi. Ngunit hindi natin alam, marami pala ang katulad nila at hanggang sa ngayon, patuloy na nadaragdagan ang populasyon nila. At sila’y nagiging inspirasyon ng sambayanan.

Sa kasalukuyan, itinuturing nating mga bagong bayani ang mga OFWs o Overseas Filipino Workers na kung saan ay nagtatrabaho sila sa ibang bansa upang may maipangtustos ang kanilang mga pamilya sa pang-araw-araw at para na rin mapalago ang ekonomiya ng bansa sa tulong ng mga remittance nila. Nagsisikap at nagpupursigi ang mga taong ito upang maiahon nila ang mga kaanak nila mula sa kahirapan, ang iba hindi lang pamilya kundi buong bayan. May mga ilan pang ipinagmamalaki ang ating bansa. Tunay nga namang mga bagong bayani, sa kanilang galing, talino at pagsisikap, ang pag-ahon ng kanilang pamilya ay simula ng pag-ahon ng buong bansa.

Sa oras naman ng kalamidad, ang mga taong tumutulong sa mga biktima at nagbibigay-serbisyo ang nagiging bayani. Katulad na lang noong hagupitin ang bansa ng Bagyong ‘Ondoy’ kung saan kakaiba ang nakita ng buong Pilipinas at pati na rin ang buong mundo. Kinalimutan ang pansariling interest, kinalimutan nila ang mga bahay nilang nalubog sa baha, ang kanilang pakay noon ay tulungan ang isa’t-isa upang sabay-sabay makaahon mula sa delubyo. May ilan pang sinakrapisyo ang kanilang buhay upang iligtas ang mga taong natangay ng rumaragasang baha.

Kahit sa ordinaryong araw lang ay naipapakita ng ilan ang pagiging bayani. Sa simpleng pagtulong sa mga matatanda na tumawid sa lansangan, paglilinis ng kapaligiran at pagtulong sa gawaing bahay. Sa simpleng gawain ay malaking tulong na rin sa pangkahalatan.

Ang kanilang pagkabayani ay gabay natin sa tuwid na daan. Inspirasyon ng mamamayan, gabay ng mga nagsisilbi sa bayan. Ang kanilang pangaral sa ‘tin ay hindi matutumbasan. Kaya dapat natin ‘to ingatan at sila’y parangalan at pasalamatan dahil pagka’t wala sila, tayong lahat ay walang pag-asa sa buhay. Kung gusto mo maging bayani, hindi mo kailangan ng itak, baril o alinmang armas na makapapatay ng kapwa-tao. Ang kailangan mo upang maging bayani ay tulungan ang mga nangangailangan na bukal sa puso mo at pagmamahal sa bayan. Pagyamanin natin ang kanilang kontribusyon sa lipunan at gamitin natin sa paglalakbay sa matuwid na daan.