Hindi ka inabandona ng pag-asa; inabandona mo ito


Pag-asa, pag-asa, pag-asa, salitang may napakaraming kahulugan, kailangan ng bayan, at meron ang bawat mamamayan. Ngunit kung hindi ka naniniwala dito, ang buhay mo’y walang kakahantungan. 


Sa kasalukuyan, iilan na lang ang may pag-asang mamuhay sa isang bansang inabuso ng dating namumuno, kahirapan ang nangingibabaw at radikalasyong nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng populasyon. Kung ang iilan na ito ay sumuko na, hindi malayong mag-ugat sa social extinction ang lipunan. 


Ang iilan na ito ay ang mga taong patuloy na nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa mga taong nawalan na ng ilaw sa kanilang buhay. Ang iilan na ito ay dapat tawaging mga bayani dahil sila ang nagliligtas sa mga taong malapit nang lamunin ng mga problema. 


Ang pag-asa ay isang salita na nagbibigay inspirasyon sa mga tao, ang salitang ito ay nagpapalakas ng damdamin ng mga taong sumuko na sa buhay. Ang pag-asa ay maikukumpara natin sa isang ilaw, ilaw na magdadala sa atin sa matiwasay na pamumuhay, ito ang magliliwanag sa ating pundidong isipan. Imposibleng layasan ka ng pag-asa, dahil nandyan lang siya naghihintay na pansinin mo ito. 


Kilala tayong mga Pilipino bilang mga tao na hindi nauubusan ng pag-asa, palaging nakangiti kahit na sa oras ng trahedya o kalamidad, atin ito’y ipamuhay at huwag basta iwanan. Kung hindi natin ito isasabuhay, sayang lang ang paniniwala ng mga taong nagsabi nito sa ating lahi. 


Mahalaga ang magkaroon ng pag-asa ngayong nasa yugto tayo ng pagbabago. Kung may pag-asa ka, ang mga taong nakapaligid sa’yo na itinakwil ang pag-asa ay muling yayakapin ito at maniniwala. Ika’y magsisilbing inspirasyon at tanglaw ng kanilang buhay at titingalain bilang bayani ng lahi. 


Kaya sa mga institusyon at grupong patuloy na ipinapakalat ang mga mabubuting kwento ng pag-asa, saludo kami sa inyo! Kayo ang mga bagong bayani ng panahon. Sana’y patuloy niyong bigyan ng pag-asa ang mga taong itinakwil na ito upang muli nilang yakapin at umahon sa mahirap na pamumuhay.


Tandaan natin, sa bawat pagsubok sa buhay, ang pag-asa ay palaging nandyan upang gabayan ka at malampasan mo ang mga problema. Walang pag-asa na iiwanan ka sa iyong paglalakbay tungo sa landas ng pagbabago. 







About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on October 15, 2011, in Better Philippines, Society and tagged . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: