"Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan!"


Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa diktador na abusado at mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito sa mga kababayan nating hindi disiplinado. 


Hindi uunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo magtatagumpay.


Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto sila sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon ng mga Pilipino.


Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas. Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo, respetuhin ang isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap.


Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging disiplinado bago maging progresibo. 



About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on October 14, 2011, in Better Philippines, Society and tagged . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: