Posible ang pagbabago basta't paniwalaan mo




Nawalan ka na ba ng pag-asang mamuhay ng matiwasay? Iniisip mo ba palagi na walang mararating ang bansang ito? Hindi ka na ba nagtitiwala sa gobyerno? Kapatid, posible ang pagbabago basta’t paniwalaan mo. 


Sa matuwid na daan, hindi isa ang makikinabang kundi ang buong bayan. Tayo ang itinanghal na boss, dapat ay magtrabaho rin tayo. Maging solusyon tayo ng bansang ito at huwag maging perwisyo. 


Itigil na natin ang hidwaan sa isa’t-isa, muling pagkaisahin ang nahating populasyon ng Pilipinas. Sumigaw tayo para sa kalayaan at kapayapaan. Maka o hindi maka gawin nating iisa para sa hangaring Bagong Pilipinas. 


Tulungan ang mga nangangailangan, bigyan ng masisilungan ang mga walang tirahan, pakainin ang mga nagugutom, at ipamukha sa kanila na may pag-asa pa. 


Tangkilikin ang sariling atin, ipakita sa buong mundo ang naitatagong galing. Magtiwala ka sa sarili mo, kaya mo ang lahat ng pagsubok.


Sa bawat pagsubok na haharapin, kayanin mo basta’t may pagtitiwala sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa’yo. Sa paggawa ng mga desisyon at aksyon, isipin mo kung makatutulong ba ito sa mga kapwa mo. Sumali sa mga institusyon na ang pagbabago ang pangunahing hangarin. Maniwala sa kasabihang “bayan muna bago sarili.”


Sumunod sa mga batas at makakamit mo ang kaunlarang hindi matutumbasan. 


I-respeto ang kapwa-Pilipino, galangin ang mga nakakatanda sa iyo, magpasalamat sa mga nagtatrabaho upang umunlad ang bansang ito. Palaging pumasok sa paaralan kung saan ang karunungan ay susi sa kaunlaran. Sa bawat pagharap sa bagong umaga, magpasalamat muna sa poong maykapal.


Mahalin ang kalikasan, magtanim ng mga butil ng halaman na makabubuti sa kapaligiran. Ibida ang ating mga likas na yaman at ituro ang tamang paggamit ng ating kayamanan. 


Maging ehemplo ng pagbabago, inspirasyon ng taumbayan. Bigyan ng pag-asa sa mga napawira na sa buhay at maging kanilang gabay. 


Simple lang ang pagbabago kung gugustuhin at papaniwalaan mo. Sa pangarap lang natin ito nakikita, kung gagawa ka ng aksyon, ito’y magkakatotoo. Kung magkakaisa lang tayo para sa iisang hangarin, mala-paraiso na ang buhay sa bansang Pilipinas. Posible ang lahat sa Bagong Pilipinas, tayo na’t magsimula na ng pagbabago!



About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on October 9, 2011, in Better Philippines, Politics and Government, Society. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: