Dengue Fever 101


 

Panahon na naman ng dengue, at ngayong taon ay mas lumala pa ang mga kaso nito. Sa Metro Manila pa lang ay halos trumiple kumpara sa isang taon ang mga kaso ng dengue. Ang ilang probinsya’t bayan sa Pilipinas ay nagdeklara na ng State of Calamity. Ang mga government hospitals na may libreng serbisyo ay puno na ng mga biktima ng dengue. Hanggang sa ngayon, ang bilang ng mga namamatay sa Dengue ay patuloy pa rin ang pagtaas. Halina’t linawin natin kung ano ang Dengue, paano at saan ba ito nakukuha at paano natin ito maiiwasan. 

Ano ang Dengue? 

Ang dengue ay isang sakit na galing sa mikrobyo na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. Ito ay hindi tuwirang maikakalat ng tao sa tao. Wala pang lunas sa sakit na ito kaya may tsansang ikamatay ito ng biktima.

Ano ang mga sintomas nito?

  • Mataas na lagnat
  • Matinding pananakit ng ulo
  • Pananakit ng katawan at ng kasu-kasuan
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng mata
  • Mapupulang butlig sa balat

Magpakonsulta sa iyong doktor kung mayroon kayong nararamdaman na ganitong sintomas.

Paano natin masusugpo ang Dengue?

  • Alisin, itapon o ayusin ang anumang bagay na pinag-iipunan ng tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok na may dala-dalang dengue katulad ng tabo, timba, palanggana, drum, bote, lata, gulong, paso, baradong alulod, kanal, vase ng bulaklak at iba pang pwedeng pamahayan nito. Siguraduhing ang mga imbakan ng tubig ay may pananggalang para hindi pamugaran ng lamok.
  • Maglagay ng mosquito net o simpleng iskrin sa mga lugar na madaling pasukan ng lamok katulad ng bintana at pintuan.
  • Linisin ang bahay at kapaligiran nito
  • Bombahin ng mosquito insecticide ang mga sulok ng bahay
  • Magpahid ng mosquito repellent lotion sa katawan bago matulog o kaya tuwing aalis ng bahay. Maaari rin ang mga patches ang iyong gamitin.
  • Magsuot ng mga damit at medyas na may mahabang manggas at pantalon.

Iba na ang maingat. Ngayong panahon ng dengue, sundin ang mga babalang ibinibigay sa inyo upang maprotektahan ang sarili at pamilya niyo.

UPDATE:

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on August 19, 2011, in Buhay Pilipino, Life Threats, Nation, News and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: