Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at lakas, sa tuwid na landas


Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan.

Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang programa dito sa ating bansa.

Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita sa wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi rin mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan natututunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino.

Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating lipunan.

Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!

About these ads

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on August 5, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need and tagged , , , . Bookmark the permalink. 45 Comments.

  1. maraming salamat dahil ito ay makakatulong sa akin ng lubos

  2. ako ay sobrang namangha at nagandahan sa sanaysay na ito, sapagkat habang binabasa ko ito ay nagkakaroon ng ibat ibang ideya ang aking isipan.

  3. syempre nmn kaya dapat wag bastusin !!!1
    kailanghang respitohin…..:)

  4. Gangsta dela cruz

    This is da most memorable post ive seen in my whole entire damn life cause it encourages me and my other fellow filipinos to speak tagalog thank you very much for this bad ass post men

    Peace out yo!

  5. maraming pong salamat sa nag gagawa dito..dahil ito po ay makakatulong sa ating bayan at makatulong di ito sa pag gawa ng takdang aralin…maraming salamat ulit…:)

  6. Salamat! Dahil dito, natapos ko ung assignment ko! :)

  7. Tunay ngang yaman at buhay ng bawat pilipino ang wikang Filipipino. Nararapat lamang payabungin pa lalo at ipagsigawan dahil wala ng hihigit pa sa wikang kinagisnan. Salamat sa mga pilipinong hindi mabaho’t malansang isda. Patuloy na hahalimuyak ang Wikang Filipino hanggang sa katapusan ng mundo.

  8. ,._+mraming slmat poh sa gumawa ng sanaysay na ito,dahil d2 ngkaroon poh aqoh ng idea pra sa assignment nmin..

  9. long live! ! !

  10. nakatulong ito sakin grabe salamata ha

  11. maraming salamat pohzzzzz

  12. thank you for these!!!!

  13. Someone who thanks you.

    Our Essay Contest for the Buwan ng Wika will be held tomorrow. This is a big help! :D

  14. thank you po. super laki po ng naitulong. :) God Bless!

  15. darryl demonteverde

    salamat sa inyo.dahil nalaman ko po na kung gaano kahalaga ang ating wikang filipino at marami rin akong natutunan nito.

  16. it helped a lot pls. right another essys plssssss…
    thank you again!!!

  17. it helped a lot pls. right another essays plssssss…
    thank you again!!!

  18. salamat po dagliang talumpati po namin sa miyerkules malaki po ang naitulong nito para sa akin SALAMAT!!!!! :))

  19. salamat dtio at ako’t nagkaroon ng asignatura.

  20. maraming salamat poh ^_^

  21. maraming salamat po sa mga tulong ninyo malaking malaking bagay na po ito salamat po andGOD BLESS US ALL

  22. MARAMING SALAMT PO UR THE BEST!!!^_^

  23. “Filipino ay wikang panlahat” – sa English, ang ibig sabihin ng wikang panlahat ay “national language”. Ito ay nangangahulugan na maroon tayong iisang wika na karaniwang ginagamit ng lahat ng Pinoy upang magkaintindihan magkaiba man ang katutubong wikang ginagamit.

    “Ilaw” – ang wikang Filipino ay ilaw. Ang ilaw ay sumasagisag sa isang instrumento na nagbibigay-liwanag upang makita nating ng malinaw ang daan na ating tinatahak. Ang wikang Filipino ay ilaw sa paraang ito ay liwanag sa daan ng kadiliman na dulot ng di-pagkakaintindihan dahil sa pagkakaiba ng wika.

    “Lakas sa tuwid na landas” – ang wikang Filipino ay lakas sa tuwid na landas dahil anuman ang pagsubok, balisa, at problema na dumating sa buhay nating mga Pilipino ay binibigyan tayo ng lakas ng ating wikang pambansa tungo sa pagkakaisa sa pagharap ng mga ito. Wikang Filipino ay lakas dahil pinagiisa at pinagbubuklod-buklod tayo nito upang sama-sama nating harapin ang mga suliranin, mga pagsubok at mga hadlang sa tuwid na landas.

    Read more: http://www.affordablecebu.com/forum/14-740-1#ixzz1Y1jhCy4V

  24. ang ganda nmn nana story

  25. wikang filipino ang gamitin mo kung nan dito ka sa pilipinas .:)

  26. ara b. huertazuela

    TAMA

  27. talagang gagamitin natin ang sarili nating wikang,,,,,itoy hugot at ugat ng ating kaalaman…

  28. wow ha ang ganda ng sanaysay nyo, ang galing nyo gumawa

  29. it’s so nice to read about that topic you know..you can pick up some lessons and facts about that…

  30. ang wikang pilipino ay dapat ipagmalaki kahit saang lugar o khit anung lhi.nararapat lng na gmitin natin i2 sa mabuting pannalita.ang ating wika ay napakahalagang bagay para sa ating lhat.

  31. Salamat sa masikhay na pag papaliwanag.at sa malalim na mensahe patungkol sa hiyas ng bayan”Ang wikang Filipino”

  32. alea tagle chico

    buti n lang meron nito! nagka idea ako sa final message na ibibigay ko sa program namin sa Buwan ng Wika! Maramimg salamat po!

  33. mrming salamt tlga dhil dito sa nabasa ko marami akong natutunan kung panu pahalagahan at mhalin at higit sa lht respetohin ang ating sariling wika…

  1. Pingback: Tara na sa ‘Filipinos for Change’! « The Filipino Servant

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: