Negativism-free Philippines


“Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng kung anu-anong pangit sa ating bayan? At napakahirap—parang kasalanan—na magsabi ng maganda? Naalala pa po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa kapwa Pilipino?” Pres. Benigno S. Aquino III, SONA 2011

Bakit ang hirap sa ating mga Pilipino na maghanap ng kapangitan sa bayan? Kung may magandang naigawa ang isa, hahanapin natin yung kabaliktaran at siyasatin ang kahinaan. Dahil sa pag-iisip natin ng negatibo, ang lahat ng mga positibong kahihinatnan ng bansa ay hindi natutuloy o napapalitan ng duda.

Noong nakaraang SONA 2011, maraming aktibista o rallyista ang nagtipun-tipon sa labas ng Batasan Pambansa upang iprotesta ang mga kabiguan ng gobyerno na sugpuin ang mga problema ng bansa sa unang taon ng panunungkulan ng administrasyong Aquino. Live na nakita sa telebisyon ang kanilang pagsusunog ng effigy ni Aquino, nakuha pang mag-indayog paikot sa nasusunog na effigy at tinawag na ‘inutil’ si Noynoy.

UNANG TAON pa lang mga kababayan, ang equivalent ng isang taon ay 365 araw at hindi anim na taon. Ngayon, nagrereklamo sila dahil mabagal na pag-usad ng kaunlaran, hindi nila inisip na tulungan ang gobyerno sa paglutas ng mga problema ng bansa at puro batikos at negative thoughts ang ipinupukol nila sa administrasyon. Anong nangyari? Eh di wala masyadong nagawa ang pamahalaan dahil sa kanila.

Isa pang halimbawa ay ang pagsakay sa barko. Kapag sumakay ka ng barko ay bawal kang mag-isip ng negatibo o masama, ang dapat mo lang isipin habang naglalayag ay makakapunta ka sa karoroonan mo. Tingnan mo, lahat ng mga pasahero ay may dala-dalang rosaryo at palaging nagdarasal na ligtas silang makabiyahe.

Ihalintulad mo ang isang lipunan na may positibong pananaw sa buhay kesa sa lipunan ngayon na puro negatibo ang pag-iisip. Kung positibo at masaya ang ating pananaw tungkol sa ating hinaharap, hindi mahirap isipin na mabilis ang pag-unlad kesa sa magreklamo dahil sa sobrang bagal ng sistema at hindi man lang tinutulungan ang mga iniluklok nila sa pwesto upang resolbahin ang problema ng bayan.

Ang isang bansa ay masasabing may magandang hinaharap kung ang tao nito ay nakatingin sa positibo at hindi sa negatibo. Ang mabuting pagplano sa inyong buhay na walang pag-aalinlangan ay susi sa pagbabago.

Itigil na natin ang bangayan, batikos at pag-iisip ng negatibo dahil wala tayong makakamit ni-singko kung patuloy pa rin ang kulturang ganito. Isipin natin ang mabuti at positibong imahen ng ating lipunan at tulungan natin ang pamahalaan na lutasin ang kinahaharap na problema ng bansa.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on July 28, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need, Life Threats, Nation and tagged , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: