SONA 2011: Transformation


Muli nating napakinggan at napanood ang Talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino III ukol sa kalagayan ng bayan o ang ‘State of the Nation Address’ na ikalawa na niya ito sa kanyang termino.

May mga natuwa dahil sa kanyang pagpupursigi na mapaunlad ang buhay sa bansa, at ang iba ay siyempre ay hindi natuwa dahil walang kongkretong solusyon sa mga problema ng bayan.

Siyasatin natin ang kanyang Ulat sa Bayan.

‘Utak wang-wang’

Makailang beses ito sinabi ni PNoy sa kanyang SONA. Ayon sa kanya, sumisimbolo ang ‘wang-wang’ sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno o kaya’y may mga ordinaryong trabaho ngunit hindi nagbabayad ng tamang buwis. Mga anomalyang dehado ang bayan at ang pagwaldas sa kaban ng bansa. Hinirit niyang may 1.7 milyong self-employed at professional tax payers ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Kahirapan

Sinambit ni Pangulong Aquino na bumaba ang porsyento ng mga mahihirap na pamilyang hindi makakain nang kumpleto sa isang araw. Noong Marso, 20.5% ang porsyento ng mga gutom na pamilya, at ngayong Hunyo ay bumaba ito at nasa 15.1 % na lang ito, katumbas ng 1 milyong pamilya.

Stock Market

Ibinida niya ang pitong beses na lumagpas sa all-time high ng stock market, na hindi kapani-kapaniwala sa ilan.

Pantawid Pamilyang Pilipino

Dahil sa malaking pera na natipid, maaari nang sagutan ang 2.3 milyong benepisyaryo ng CCT hanggang sa katapusan ng 2011.

“Kung walang Corrupt, walang mahirap!” campaign

Patuloy pa rin binibirada ni Aquino ang mga nagkasala sa bayan at nagnakaw sa kaban ng bayan. Pinangako niyang masasampahan na ng kaso ang mga tiwaling opisyal at nagkasala sa lipunan. Magpapatuloy pa rin ang kampanya kontra-katiwalian dahil na rin may sumusubok pang magnakaw. Ang solusyon niya para matapos ang katiwalian ay ang ‘zero-based budgeting’ kung saan hindi muna bibigyan ng pondo ang mga proyekto o ahensya kung wala pa itong final na desisyon.

Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas” 

Halos nasiyahan ang mga dumalo sa SONA nang ipahayag ni PNoy ang capability upgrade at modernization ng Sandatahang Lakas upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa. Sinabi rin niya na naglalayag na papunta sa bansa ang bagong binili na warship ng Philippine Navy sa US Navy na BRP Gregorio del Pilar na poprotekta sa West Philippine Sea at Kalayaan group of islands na kamakailan lang ay naging tensyonado dahil sa agawan ng China, Vietnam at Pilipinas. Handang ipaglaban ng bansa ang karapatan natin sa Spratlys at sa WPS sa International Tribunal for the Law of the Sea.

Pabahay

Ipinahayag rin ni Aquino sa kanyang SONA ang pabahay para sa mga sundalo at kapulisan na may maliliit na sahod. Balak targetin ng administrasyon na simulan na ang pagpapatayo ng mga pabahay sa Visayas at Mindanao para sa Sandatahan.

Pag-aangkat ng bigas

Bumaba ng kalahati ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa, kung noong nakaraang taon ay 1.3 milyong toneladang bigas ang inangkat, ngayon ay 660,000 toneladang bigas na lang ang inaangkat dahil na rin sa epektibong rice productivity.

Anti-Human trafficking

Natanggal na ang Pilipinas sa Tier 2 watchlist ng Trafficking in Persons Report ng United States dahil sa epektibong pagsugpo sa human trafficking na maaaring maging susi upang makakuha ng grant sa Millennium Challenge Corporation.

Trabaho

Ayon sa kanya, bumaba ng 8 na puntos ang unemployment rate ng bansa na noong Abril 2010, pumalo sa 8%. Naibaba nila sa 7.2% katumbas ng 1.4 milyong trabaho ang nalikha. Balak sugpuin o iwasan ng DOLE, CHED, TESDA at DepEd ang job mismatch na kung saan may 50,000 trabaho ang hindi napupunuan ayon sa Philjob.net.

ARMM poll postponement

Ayon sa COA, 80% ng disbursement sa ARMM ang napunta sa cash advance ngunit wala itong pinatunguhan. Habol lamang ng mga opisyales ang susunod na halalan at hindi ang pagserbisyuhan ang kanilang nasasakupan.

Solusyon sa baha

PNoy: Isa sa mga solusyong hinahanda na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani, makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers, na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang namumuhunan din sa kalikasan.

DOST inventions

Ibinida ni Aquino sa kanyang ulat ang mga imbensyong nagawa ng DOST katulad ng mosquito trap na kayang patayin ang mga lamok, landslide sensor kung may nagbabantang pagguho ng lupa at mga kagamitang magbibigay-babala kung tumataas ang lebel ng tubig sa mga ilog. Ibinida rin ang proposal ng monorail system, katuwang ang UP upang matugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon.

PAGCOR coffee expenditure

Halos nagulat at natawa ang mga nakikinig sa SONA ni PNoy nang ipahayag niya ang P 1 bilyong gastos para sa kape ng dating pamunuan ng PAGCOR. Nagbiro pang hanapin ang mga ito at tanungin kung dilat pa ba sila hanggang ngayon.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales

Inanunsyo na rin ang pag-appoint kay dating Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang Ombudsman at ang unang trabaho nito’y sampahan ng mga kaso ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Patama

Sinabi rin ni Aquino na itigil na ang pag-iisip ng negatibo at pagtuunan na lang ng pansin ang mga positibong bagay na ikauunlad pa ng bayan. Ang mga taong nagsasabi na hindi magiging katotohanan ang mga ipinangako niya sa bayan at ang ilang nagsasabi na hindi siya magiging matagumpay.

Opinyon ng bayan

Ang iba ay natuwa dahil patuloy pa rin niyang nagagampanan ang kanyang mga ipinangako sa sambayanan at ang ilan naman ay galit pa rin kay Aquino dahil wala pa ring solusyon sa mga problema ng bansa. Binigyan ng passing grade si Noynoy ng mga Senador, kongresista, mga espesyal na tao at ordinaryong tao na naniniwala pa rin sa kanya na makakayanan niya ito. Habang bagsak na grado naman ang ibinigay ng mga aktibistang nagprotesta sa labas ng Batasan Pambansa laban kay Aquino.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on July 26, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need, Nation, News, Politics and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. eimlyn janette padullo

    pwd pong i.post nyo ung full SONA ni president sa filipino ? tenks.. needed lang poh …God bless

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: