SONA 2011: Muli nating alamin ang kalagayan ng bayan


The Coverage

Malapit na naman ang inaabangan ng bayan, ang paghayag ng kalagayan ng bansa o ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno S. Aquino III kaya ang The Filipino Servant katuwang ang mga prominenteng news organizations ng bansa ay ihahatid sa inyo ang mga pangyayari simula July 25, 2:30 ng hapon.

Matutunghayan niyo ang kauna-unahang coverage sa pamamagitan ng social networking sites at ang live blogging sa aming “SONA 2011” tab sa aming fan page. Kasabay ng mga commentaries sa pamamagitan ng Twitter ng ABS-CBN News, GMA News at News5 at mga in-depth reports ng Newsbreak ay hihingin po namin ang inyong opinyon tungkol sa SONA. Maglalagay rin po kami ng live stream upang matunghayan natin ang talumpati ni PNoy sa buong bansa.

Mga paghahanda, mga dapat abangan at ang opinyon ng bayan tungkol sa SONA ay aming ihahatid sa inyo bago, habang at pagkatapos ng SONA. Tuluy-tuloy ang coverage hanggang 5:30pm.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang makinarya ng internet ay gagamitin namin upang matutukan ng husto ng mamamayang Pilipino ang SONA na kung saan malalaman natin ang kinabukasang naghihintay sa ating bansa.

Mga dapat abangan

Usap-usapan ngayon ang mga dapat abangan sa SONA ni PNoy. Isa na rito ang sinasabi niyang malapit nang makasuhan ang mga nagkasala sa bayan, ang kanyang mga priority bills, mga reporma at iba pang plataporma niya sa susunod na 5 taon.

Ngunit ang tanong ng bayan, may reporma na ba silang mararamdaman hanggang sa susunod na 5 taon?

 

by: Kent Ryan Masing | Gil Mar Moriones

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on July 18, 2011, in Bagong Pilipinas, Change we need, Nation, News and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: