Aquino administration: One year after



Mag-iisang taon na mulang mailuklok sa pwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III at ang kanyang gabinete. ‘Ipinamana’ sa kanya ang mga iniwang problema ng nakaraang administrasyon na ang ilan dito’y naresolba o patuloy pa ring hinahanapan ng solusyon. Mahirap talaga sa isang bagong pamahalaan na resolbahin ang daan-daang problema ng dating administrasyon, lalo na ang malaking utang ng bansa sa ibang bansa at pandaigdigang institusyon sa pananalapi. Ngunit, pinipilit pa rin ng administrasyong Aquino na bigyan ng masagana at matiwasay na buhay ang mamamayang Pilipino.

Ilang problema rin naman ang naresolba lalo na ang katiwalian sa pamahalaan. Nabuking ang ilang kaso ng katiwalian mula sa opisina ng Ombudsman, PCSO at pati na rin sa hukbong sandatahan ng bansa. Ito ang naging trademark ng administrasyong Aquino sa kanilang unang taon, ang pagsupil sa katiwalian.

May pag-usbong na rin ng reporma pagdating sa trapiko. Nariyan ang ‘walang wang-wang’ policy, ang magdamagang pagbabantay ng MMDA enforcers sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila, ang pagkakaroon ng speed limit, ang pagdidisiplina sa mga reckless na PUV drivers, at ang pag-aayos ng mga kalsadang nilipasan na ng panahon.

May kaunti na ring nasisilayan na reporma sa social development, dahil na rin sa programa ng DSWD na ‘Pantawid Pamilyang Pilipino’ o ‘Conditional cash-transfer’ program na kung saan ay bibigyan ng sapat na pangangailangan ang mga pamilyang mahihirap sa bansa.

Sa mundo ng imprastraktura at transportasyon, naging sagot ang Public-Private partnerships sa ilalim ng DOTC at DPWH para sa mas mabuti pang kalakalan at umunlad ang ekonomiya ng bansa.

Sa agrikultura at kalikasan, naging programa ng pamahalaan ang National Green program upang panatilihin ang mga kagubatan at palakasin pa ang produksyon ng palay, gulay at iba.

Sa edukasyon, ipinatupad na ang K-12 education program para sa mas tutok na pag-aaral at maraming matututunan ang mga kabataan.

Sa hukbong sandatahan, naglabas na ng P40 billion si Pangulong Aquino upang mapabuti ang military capabilities at mga bagong equipments ng AFP.

Sa disaster preparedness, napabuti na ang weather forecasting mula nang pinuna ni Aquino ang kamalian sa forecast ng PAGASA noong tumama ang Bagyong ‘Basyang’ sa bansa noong July 2010. Pati na rin sa PHIVOLCS, at NDRRMC ay nag-improve na ang kanilang taya at paghahanda.

May mga reporma na ring nasisilayan sa kalusugan, hustisya, seguridad at iba pa ang taumbayan na makakatulong sa kanilang buhay ng malaki upang maging matagumpay sila balang-araw.

Hindi rin maiiwasan ang pagkwestyon sa pamumuno, programa at transaksyon ng pamahalaan simula nang mailuklok sila pwesto hanggang mag-iisang taon na sila sa posisyon. Problema rin ang pagdami ng walang trabaho at gutom na pamilyang Pilipino.

Para sa amin, isang matagumpay na naisulong at isinusulong pa rin ng gobyerno ang kanilang programang makakatulong sa mga mamamayan ngayong mag-iisang taon na sila. Ngunit hindi nila natatakasan ilang mga isyu at kontrobersyang bumabalot sa mga transaksyon sa administrasyon. Pero patunay pa rin yan na hindi papahuli at magpapasuko ang administrasyong Aquino sa ilang suliranin at mga pagpuna sa kanilang pamumuno.

Binibigyan namin ng isang mataas na grado na 86% ang Aquino government sa unang taon nila sa pamunuan.

Pero tandaan natin na masyado pang maaga para husgahan ang kanilang pamamalakad dahil hindi pa natin alam ang patutunguhan ng kanilang programa at reporma sa susunod na limang taon. Tandaan rin natin na huwag tayong palaasa sa ating pamahalaan dahil ang pagbabago ay nagsisimula sa mamamayan at ang pamahalaan ang nagtuturo at umalalay sa atin papunta sa mithiin nating landas na pagbabago.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on June 28, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need, News, Politics and tagged , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: