20 Years after: The wrath of Pinatubo


Dalawampung taon na ang nakalipas mula nang sumabog ang Mount Pinatubo, noong ika-15 ng Hunyo 1991 na bumasag sa pananahimik nito ng mahigit sa 600 taon.

Isa sa mga pinakamalakas at pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa kasaysayan ng mundo at naglakbay sa iba’t-ibang panig ng mundo ang abong ibinuga nito.

Mahigit sa 1,000 ang namatay, at 200,000 tao ang nawalan ng tirahan matapos ang pagsabog at pagragasa ng lahar.

Ang pagkagising at ang bagsik ng Pinatubo

Bago pa man sumabog ang Pinatubo, niyanig ng Magnitude 7.2 na lindol ang Luzon na naging hudyat sa paggising ng bulkan. Nagpakita ng mga abnormal na aktibidad ang Pinatubo simula pa noong Abril 1991. Kaya maagang inevacuate ang mga nakatirang Aeta sa paanan nito. Nagdaan ang mga araw, lalong tumitindi ang aktibidad ng Pinatubo. Sunud-sunod na ash explosions at pagtaas ng volcanic earthquakes kaya nabahala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology at ng base-militar sa Subic at Clark.

Dahil sa pinangangambahang malaking pagsabog, inilikas na ang mahigit 331,000 na katao na nakatira sa 40 km. danger zone at idinala sa mga evacuation zones katulad sa Mount Arayat.

Sumapit ang araw ng Hunyo 15, binasag na ng Pinatubo ang kanyang katahimikan at pinakawalan na sa langit ang mga naipong lakas nito. Mga lumilipad na bato mula sa crater, abo na bumalot sa buong Central at Southern Luzon at ang iba’y nakaabot pa sa North America.

Kasabay ng pagsabog nito’y ang paghagupit ng Bagyong Yunya sa bansa. Kaya ang umaga’y naging gabi na at sinabayan pa ng ashfall. Hangggang sa Mount Arayat at Metro Manila ay nakaabot ang ashfall.

Kaya kinaumagahan ng kasunod na araw ay tumambad sa kanila ang mga abong bumalot sa kalupaan. Mga bumigay na bahay dahil sa bigat ng abo na naipon sa bubong at mga establisyametong lumubog sa lahar.

Sa oras ng sakuna ay pinakita ng mga Pilipino at pati na rin ng mga sundalong Amerikano ang pagtulong sa kapwa. Tinulungan nilang makatawid sa mga ilog na inaagusan na ng lahar ang mga tao at binigyan ng pansamantalang matutuluyan ang iba.

Pagbangon mula sa delubyo

Pagkatapos ng pagsabog, napagpasyahan na ng US naval at air base sa Clark at sa Subic na lisanin na ang lugar dahil natabunan na ng makapal na abo ang kanilang lugar.

Ang crater ng bulkan ay naging lawa dahil sa mga pag-ulan at parang kristal ang tubig kapag nasisinagan ng araw.

Ang mga Aeta at nakatira malapit sa bulkan ay pinagkakakitaan na ang mga iniwang abo nito at ginagamit sa pagpapatayo ng mga bahay o gusali o mga kagamitan sa bahay.

Ang nasirang kagubatan ay pilit na ring ibinabalik ng lokal na pamahalaan para sa turismo ng kanilang lugar.

Matapos ang unos, ang mga biktima ng pagsabog ay meron nang bagong bukas na naghihintay. Kahit ang iba sa kanila’y nawalay na sa kanilang mga minamahal sa buhay, ang pagsabog ng bulkan ay naging hudyat para sa bagong buhay at pag-asenso nila.

Isang bagong pag-asa sa kanilang buhay ang Pinatubo. Nagdala man ito ng katakot-takot na pinsala, nagbigay rin ito ng panibagong buhay.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on June 15, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need, Life Threats and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: