Kalayaan 2011: Paninindigan ng Bayan


Isang daan at labing-tatlong taon na ang nakalilipas mula nang ipahayag sa ating kanunu-nunuan ang Kalayaan mula sa mga mananakop, na patuloy na ginugunita ng mga nagdaan na henerasyon hanggang sa kasalukuyan.

Nakalaya man tayo sa mga dayuhan, nakakadena pa rin tayo sa mga problema ng lipunan na mahirap takasan. Ang iba sa atin, animo’y Katipunero na handang ibuwis ang buhay para lang makaahon at makalaya mula sa kahirapan. Ngunit ang iba ay nawalan na ng pag-asang makakaahon pa sila na kung iisipin mo ay sumuko na sa mga kalaban.

Ang iba naman sa atin ay nagpapabihag sa mga problema ng bayan at dagdag-suliranin pa ang kanilang mga masasama at maling gawain.

Ang pakikibaka at pakikipagsapalaran nila Rizal, Aguinaldo, at Bonifacio ay sumasalamin sa kasalukuyang lipunan. Hangad nating lumaya at mamuhay ng matiwasay, kaya ginagawa natin ang lahat upang makamtan natin ito.

Oo nga at kilala tayong mga Pinoy sa pagiging matapang at malayang tao, handang ipaglaban ang bayan sa mga mananakop ngunit bakit hindi pa rin matakasan ang kahirapan at kawalan ng pag-asa.

Kung hindi natin inuuna ang mga bagay na hindi naman nakatutulong sa bansa at ito’y pansarili lamang, sigurado ang bilis na nating makaahon. Ang pagiging masipag, matiyaga, masunurin, matapang at may katatagan ng loob, ito ang susi upang makawala sa kadena ng problema ng lipunan.

Mahalagang isabuhay ang naging sakrapisyo ng ating mga bayani, dahil bawat araw ay may bagong pakikipagsapalaran tayong dapat harapin at tapusin.

Huwag nating kalimutan ang pagdiriwang at paggunita ng Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo. Isang beses lang kung ito’y gunitain pero ang sinisimbolo nito ay magagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas! Mabuhay tayong lahat!

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on June 11, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: