Kalsada ng Kamatayan


Mahigit 180,000 na sasakyan ang dumaraan dito araw-araw. Sa kalsadang ito na may habang 12 kilometro matatagpuan ang ilang landmarks katulad ng Sandiganbayan, Quezon City Memorial Circle, at UP Diliman. Ito ang Commonwealth Ave. sa Quezon City na mas kilala ngayon sa bansag na “KILLER HIGHWAY“.

Hindi nawawala sa mga balitaan ang Commonwealth Ave., dahil na rin sa kabi-kabilang aksidente na nagiging sanhi ng mga kamatayan. Parating aksidente sa kahabaan ay banggaan o kaya’y may nasagasaan o na-hit and run.

Ayon sa MMDA, 309 katao ang namatay dahil sa mga aksidente sa Commonwealth Ave. noong nakaraang tao at posible pang lagpasan ngayong taon.

Kamakailan lamang ay napabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ng isang beterano at prominenteng mamahayag na si Chit Estrella dahil sa paghagip ng 2 bus sa sinasakyan niyang taxi na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Dahil sa pagkamatay niya, nagising sa katotohanan ang MMDA na mas lalong higpitan ang batas-trapiko sa kalsada na ito.

Dahil na rin sa mahigpit na pagpapairal ng batas trapiko ngayon, naisip ng MMDA, katuwang ng LTO na magkaroon ng anti-speeding campaign at paglalagay ng 60-km. speed limit sa kahabaan nito.

Mahigit 120 sasakyan ang nahuhuli ng MMDA sa Commonwealth Ave. dahil sa overspeeding mula nang nagsimula ang kanilang kampanya.

Samu’t-sari ang mga reaksyon ng mga motorista sa kampanya nila, ang iba ay natutuwa, ang ilan naman ay nagagalit dahil naaabala sila at ang iba naman ay hindi nila alam na may speed limit na pala sa Commonwealth.

Ilan sa mga nahuhuli ng MMDA ay mga pampasaherong jeep at bus, taxi, mga pampribadong sasakyan at pati na rin mga sasakyan ng gobyerno.

Wala daw papalampasin ang MMDA sa mga mahuhuling lalampas sa 60-km. speed limit at kung dapat nang gumamit ng kamay na bakal ay gagawin na nila.

Halos wala nang katapusan ang pagbibigay-babala ng otoridad sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho ngunit ang iba naman ay patuloy pa rin sa gawaing-kaskasero. Kung ganito pa rin ang pamamalakad ng mga motorista, hindi nila mararamdaman ang kaunlaran ng buhay sa bansa at mawawalan ng saysay ang dugo’t pawis na inilaan para lang maisalba sila sa tiyak na disgrasya.

Muli, patuloy na maging maingat sa pagmamaneho upang maiwasan natin ang disgrasya at para na rin sa ikagiginhawa ng ating buhay.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on May 22, 2011, in Bagong Pilipinas, Buhay Pilipino, Change we need, Life Threats, News and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: