Lola sa Hawla


Isang buwan na ang nakalilipas nang tugunan ng Ekslusibong, Explosibong Expose o XXX ng ABS-CBN ang sumbong ng isang Bayan patroller na may inaabuso at nakakulong Lola sa kanilang lugar.. at ang mas malala, sariling manugang at anak pa nito ang nagpakulong dito.

Si Lola Lourdes ay 85-anyos na at may diperensya na siya sa pag-iisip dahil sa pagpanaw ng kanyang asawa. Paminsan-minsan ay nakikita na lang ito na nangangalakal ng basura o nasa bangketa na nag-iisa. Kaya napagpasyahan ng anak at ang asawa na ikulong na lang ito.

Ipinakita sa ABS-CBN ang video na minamaltrato si Lola Lourdes at nakitang pinupokpok siya ng kahoy o walis o kaya’y kinukurot. Ang kanyang mga nakakaawang alulong ay bumasag sa mga nakanood ngunit sa kanyang anak at manugang ay wa-epek ito.

Bago aksyunan ng XXX ang kaso ay dumulog muna sila sa DSWD Mandaluyong kung saan nasasakupan nila ang lugar ng Lola. Nakipag-usap si Anthony Taberna, isa sa mga host ng XXX sa chief ng DSWD Mandaluyong, at dito na nagsimula ang maaksyong eksena.

Walang aksyon at dapat lang daw nababagay na ikulong ang matanda“, ito ang sinabi ni Milagros Lagaran, chief ng Social Welfare ng Mandaluyong. “Hihintayin niyo na lang ba duguan ang matanda bago aksyunan?”, masasabi na natin na pingalitan o pinagsabihan ni Ka-Tunying si Lagaran ngunit naninindigan pa rin siya sa kanyang mga sinabi.

Nagpasya na lamang ang grupo na pumunta na kay DSWD Secretary Dinky Soliman at pinanood sa kanya ang kalunos-lunos na video ng pagmamaltrato sa matanda.

Aksyunan na kaagad ito,” ito ang naging sambit ni Soliman pagkatapos niya panoorin ang video.

Agad na pumunta sa bahay ng matanda ang grupo sa pangunguna na rin ni Ka-Tunying kasama ng mga pulisya at social workers. Nagkainitan pa sa kanilang pag-uusap dahil sinabi ng anak ng matanda na ulyanin na daw ito at baka mapahamak pa. (OPINYON KO: tanga ka pala eh, oo nga at hindi mapahamak sa labas pero pinapahamak niyo naman siya)

Nagdesisyon na ang anak at ng manugang nito na papasukin na ang grupo… Tumambad sa kanila ang hawla kung saan nakakulong ang matanda at ang hinang-hinang Lola Lourdes.

Nagmukhang anghel galing langit ang tingin ni Lola Lourdes sa grupo at lubos ang pasasalamat sa kanila. Dumiretso agad ang grupo sa ospital para sa medical briefing habang ang mag-asawang nagmamaltrato sa matanda ay idineretso sa pulisya.

Inamin ni Lola Lourdes na sinasaktan siya ng sarili niyang kadugo (kung napanood niyo ang eksena na ito ay dito na naging medyo emosyonal ang matanda pati na rin si Ka-Tunying).

Matapos ang medical briefing ay idiniretso na ang matanda sa pangangalaga ng Golden Acres at dito’y naging masaya ang kanyang pakiramdam at malayo sa kapahamakan.

Matapos itong episode ng XXX ay bumuhos ang mga reaksyon at pagtulong sa matanda. Kung susumahin mo, mala-award winning itong episode dahil natutukan ng mabuti ang kaso.

Madaming tao ang nagsisipuntahan sa Golden Acres upang bisitahin si Lola Lourdes at nagpapa-litrato pa, ang iba ay nagiging emosyonal at akala’y kamag-anak nila ito.

Ngayon ay sinuspinde na ng mayor ng Mandaluyong si Lagaran bilang chief ng social welfare sa kanilang lugar at maituturing na ‘case closed’ ang kwento ni Lola Lourdes.

Huwag nating saktan ang mga matatandang naghirap upang ipatamasa sa susunod na henerasyon ang magandang pamumuhay, ang mabuti na gawin ay pasalamatan sila at handugan sila ng magagandang alaala bago sila mamahinga dahil kung wala sila, walang magandang pamumuhay sa Pilipinas.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on April 5, 2011, in Bagong Pilipinas, Change we need, Life Threats, News. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: