Day of ‘No Merci’


Impeached! Ito ang naging hatol ng House of Representatives noong Lunes sa boto na 212-46-4 na pabor sa pag-impeach kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sa kaso na Betrayal of Public Trust.

Ito ang naging bunga ng napakahaba at inabangan na mga hearing ng House Committee on Justice na pinapangunahan ni Rep. Niel Tupas na Chairman ng komite at ang pagsampa ng 2 impeachment complaint sa pangunguna nina Riza Hontiveros-Baraquel at Renato Reyes.

Inabot ng hatinggabi ang deliberasyon ng kaso sa Plenaryo dahil na rin sa mga sponsorship speeches sa inihaing kaso.

Sinabayan ang sesyon ng isang Intensity VI na lindol resulta ng Magnitude 5.8 na yumanig sa Lubang Island, Occidental Mindoro kaya sandaling natigil ang pagpupulong.

Namataan rin sa sesyon ang mag-anak na Arroyo na sina Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Rep. Mikey Arroyo at Rep. Iggy Arroyo na nag-vote ng ‘NO’ kontra sa impeachment complaints laban kay Gutierrez.

Habang nagkakaroon ng pulong ang Kongreso ay gumawa naman ng eksena si Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa Twitter. ‘Very interesting’ na topic raw ang pinag-uusapan ng mga mambabatas ngayon at nanonood daw siya. Tinanong siya ng isang twitter user na bakit siya absent sa Kamara. Ni-reply niya ang mga tweeps at sinabi sa isa na ‘magreklamo ka sa lolo mong panot’. Pagkatapos niya i-tweet iyon ay marami nang nag-tweet sa kanya at binatikos siya na congressman at world-known boxer, bakit ganun daw ang ugali niya. Ilang minuto lang ay inanunsyo niya na ide-delete na niya ang kanyang Twitter Account.

Matapos ng sesyon ay nagsalita si Ombudsman Gutierrez sa isang press conference at sinabi niya na malaki ang pagtitiwala niya sa Senado na magiging patas at malinis ang gagawing impeachment trial.

Ngayon ay nag-uusap na ang mga Senador para sa mga rules at mga bawal sa impeachment trial.

Pilipinas, para sayo, simula na ba ito ng pagbabago?

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 23, 2011, in Bagong Pilipinas, Change we need, Nation, News, Politics and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: