Walang imposible sa Bagong Pilipinas


Mula nang sinimulan itong blog ay bawat istorya ng buhay Pilipino na humaharap sa kasalukuyang kalagayan ng bansa ay nabibigyan ng pansin. Lalo na ang pagbabago na kailangang kailangan na ng bansang ito.

Kaya ngayong Abril ay inihahandog namin sa inyo ang bago naming mithiin na inyong mithiin rin. Ito ang BAGONG PILIPINAS.

Sa mithiing ito ay nakapaloob kung paano at bakit natin kailangan ang pagbabago. Mula sa mga istorya ng bawat Pilipino na saan man sa mundo ay iisahin natin ang kanilang motibo kung bakit nila pinili na mangibang-bansa.

Para na ring handog ito sa mga bagong bayani na kung tawagin ay mga OFW. Pakikinggan natin ang kanilang mga hinaing at ang kanilang mithiin upang mapaunlad ang sistema.

Maging dito sa Pilipinas ay aalamin natin ang bawat sulok ng buhay. Mapa-mahirap, may-kaya at ubod ng yaman, aalamin natin ang kanilang motibo.

Pati na rin ang mga may kapangyarihan o naglilingkod sa sambayanan ay pagtutuunan natin ng pansin kung paano natin maaabot ang ating mithiin.

Ang mga hindi posible, gagawin nating posible kung magtutulung-tulong tayo na maitaguyod ang ating bansa.

Itama ang maling sistema, tanggalin ang tiwali at alisin sa kasaysayan ang pinakamadilim na mga araw ng bansa.

Dahil sa Bagong Pilipinas, walang imposible.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 18, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: