Supermoon: Destructive?


Kamakailan lamang ay may lumabas na artikulo mula sa SPACE.com tungkol sa isang phenomenon na ang tawag ay Supermoon pero sa mundo ng astronomy, ito ay ang Perigee. Ito ay kung saan lalapit ang buwan sa mundo at nakatakda ito sa Sabado ng gabi o sa madaling araw ng Linggo pasadong 2:10am.

Pinapaniwalaan na ang mangyayaring Supermoon sa March 19 ay mas malapit pa makalipas ang 18 taon. Ayon sa nakalkulang impormasyon, ang buwan ay lalapit sa mundo ng 356,577 kilometers.

Pinapaniwalaan ng isang astrologer na ang mangyayaring Supermoon sa Sabado ay maaaring maging sanhi ng mga sakuna katulad ng lindol, tsunami, malalakas na ulan at pagsabog ng bulkan.

Ito naman ay kinondena ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Space Administration o PAGASA dahil ang buwan ay hindi kayang makagawa ng lindol o maging sanhi ng pagsabog ng bulkan. Ang buwan lamang daw ay nakatuon sa ocean tides at hindi totoo na magiging sanhi ng sakunang panlupa.

Dahil na rin sa teknolohiya, ang mga hindi dapat mangyari sa hinaharap ay nagiging posible. Nililito lang nila ang kaisipan ng mga tao at maliin ang sistema.

Hindi natin masisisi ang Diyos dahil siya ang gumawa ng lahat hindi siya ang magtatapos sa lahat.

Sino ba ang tatapos  sa lahat?   Tayo. Kung ang ating mga kamay ay nagkamali lang ng kaunti, ang kinabukasan ng mundo ay magugulo.

Kung naniniwala kang malapit na ang katapusan, nagkakamali ka. Dahil ang katapusan ay walang hangganan at ito ang buhay na ipinangako sa atin ng Diyos.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 17, 2011, in Change we need, Life Threats, News, World and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: