Nuclear Fever


 

Pagkatapos ng nakapanglulumong lindol at tsunami na tumama sa Japan ay patuloy pa rin ang peligro sa kanila dahil sa abnormalidad sa Fukushima Dai-ichi Nuclear Power Plant.

Noong Sabado ng hapon ay napaulat na nagkaroon ng hydrogen explosion sa No. 1 reactor ng Fukushima nuke plant.

Nagbabala ang gobyerno ng Japan sa isang nakaambang na ‘meltdown’ dahil sa banta ng radiation leak. Ipinatupad ang 10-km. diameter danger zone sa paligid ng power plant, matapos ang pagsabog.

Kinumpirma ng mga Japanese nuclear experts ang pagtagas ng radiation sa planta ngunit mababa lamang ito.

Ang Fukushima nuclear power plant ay ginagamit para mag-supply ng elektrisidad. Ito ay pagmamay-ari ng Tokyo Electric Power Corporation.

Pagsapit ng Linggo ay inanunsyo ng TEPCO na magkakaroon ng power outage sa mga sinusuplayan ng power plant dahil delikado at maagapan agad. Ayon rin sa nangangalaga sa planta ay nang tumama ang tsunami ay lumubog sa tubig ang Nuclear power plant kaya mababawasan ang banta.

Naging solusyon para sa pagbaba ng temperatura ng mga reactor ang tubig-dagat kaya ito’y ginamit ng mga nuclear experts para maagapan ang pag-init.

Lunes ng umaga nang magkaroon uli ng nuclear explosion sa No. 3 reactor ng planta. Napaulat na 6 ang sugatan sa pagsabog.

Mga bandang hapon ay may text message na kumakalat dito sa bansa kasunod ng pagsabog sa power plant.

Isinasabi ng text message na aabot dito ang radiation mula sa Japan at pinapayuhang pumasok sa loob ng bahay o gusali dahil kapag umulan ay magkakaroon ng nuclear rain na delikado sa kalusugan.

Pinabulaanan ng DOST at PHIVOLCS ang kumakalat na text message at isinaad sa publiko na normal pa rin ang radiation level sa bansa.

Tataas lang daw ang radiation level dito sa bansa kapag dumating ang tag-init o kaya’y El Nino.

Patuloy sa pagpapaliwanag ang PNRI na experts sa lakas-nuclear dito sa Pilipinas tungkol sa radiation.

Ayon sa kanila, malabong pumunta dito ang radiation mula sa Japan dahil ang tahak ng hangin ay papuntang silangan at hindi pa-timog.

Para na rin sa kaligtasan at paghahanda, magsasagawa sila ng press conference para na rin malaman ng publiko kung ano na ba ang sitwasyon doon.

Nagbabala na ang Department of Justice sa mga taong gumagawa ng katarantaduhan sa oras ng sakuna na paparusahan sila dahil ginugulo lang nila ang sistema.

 

 

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 16, 2011, in Change we need, Life Threats, News, World and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: