Impeach the Ombudsman


 

All systems go na para sa pinaplantsang Impeachment trial laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Betrayal of Public Trust –ito ang naging basehan ng Justice Committee ng House of Representatives na pinapangunahan ni Rep. Neil Tupas upang ipasa ang dalawang impeachment case laban kay Merci.

Ang dalawang impeachment case ay inihain ni Risa Hontiveros mula sa Akbayan Party-list at ni Renato Reyes ng Bayan.

Mega-Pacific scam, NBN-ZTE deal, Fertilizer scam at plea bargaining kay dating AFP comptroller Carlos Garcia ang mga naging ebidensya at sentro ng atensyon sa mga hearing sa Kongreso.

Dahil sa paglabas ng mga whistleblowers at mga ebidensya sa katiwalian, halos nagalit na ang sambayanan kay Merceditas Gutierrez.

Ngunit ang kanyang mga ka-opisina sa Office of the Ombudsman ay kampi sa kanya, noong nakaraang araw lang ay nagkaroon ng boodle fight at candle-lightning sila laban sa impeachment hearing sa kanilang boss.

Ang mga laban kay Gutierrez ay nagtipun-tipon naman sa labas ng Kongreso na isinisigaw ang pag-resign ni Merci sa pwesto.

Nang mapagtibay ang kaso ng impeachment laban sa kanya, nagpatawag siya ng press conference at krinitiko ang ginawang hearing ng Kongreso at sinabing may tiwala siya kapag nakatuntong ang kanyang kaso sa Senado.

Kamakailan lamang ay nagpatawag naman ng presscon si Sen. Teofisto Guingona III tungkol sa kaso ni Gutierrez at hinihingin ang pag-resign nito o kaya ipasa na sa Kongreso ang kanyang impeachment case.

Iba na talaga kapag may naaakusahan ng katiwalian. Ang pagka-makabayan ng sambayanan ay nagigising sa katotohanan na may mga tiwaling opisyal pa rin sa pamahalaan.

Salamat sa bagong pamahalaan at isa-isa nang naiisabulatlat ang mga kaso ng katiwalian mula noong nakaraang administrasyon.

Malayo pa ang ating lalakbayin upang makamtan natin ang inaasam na malinis na gobyerno, pero kung magtutulong-tulong tayo ay tiyak na ang ating panalo.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 14, 2011, in Change we need, News, Politics and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: