Are we ready for ‘The Big One’?


 

Kamakailan lang ay niyanig ang Japan ng Magnitude 9 na lindol na nagresulta ng tsunami na kumitil ng daan-daang tao.

Dahil sa balitang ito, nabuhay na naman ang usapin tungkol sa ‘The Big One’ na pwedeng gumawa ng Magnitude 7.2 pataas na lindol sa West Valley Fault sa Marikina na pwedeng magresulta ng pagkasira ng 170,000 na kabahayan, magpagiba ng 40% na gusali sa Metro Manila at kumtil ng mahigit 33,000 katao.

Para na rin sa pag-iingat at paghahanda, ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ay naglatag na ng mga plano katuwang ang Japan Meteorological Agency kung may mangyari mang sakuna na lindol sa bansa.

Ang West Valley Fault sa Marikina ay pwedeng makapag-generate ng Magnitude 7.0 pataas. Naitala sa kasaysayan na mahigit 204 na taon nang nakalilipas nang ito’y gumalaw. Ayon sa PHIVOLCS, tuwing ika-240 taon lang ito gumagalaw.

Ang West Valley Fault ay tumatagos sa lalawigan ng Rizal, mga lungsod na nasa silangang bahagi ng Metro Manila at nagtatapos sa Cavite.

Binubuhay naman ang usapin tungkol sa Building code ni Jun Palafox, isang sikat na arkitekto. Kung sinusunod lang daw ng mga Pilipinong nagpapagawa ng bahay o mga businessmen na may gusali ang Building code, tiyak mababa lamang ang casualties at fatalities kung may sakuna.

Ang bansang Japan ay madalas yanigin ng lindol kaya sila’y parating nakahanda lalo na sa mga imprastraktura at gumagamit sila ng advanced technology upang mapag-aralan ang mga sakunang katulad nitong tumama sa kanila noong biyernes.

Hindi natin maikakaila na kulang tayo sa kapasidad at hindi tayo handa para sa mga ganitong sitwasyon. Maaaring magtagal pa ng mga taon upang magkaroon tayo ng teknolohiya kagaya sa Japan.

Pero ang importante ay maging updated, kusang handa at manampalataya sa Diyos.


About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 14, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need, Life Threats, News and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: