Bata, bata, bakit wala ka nang bituka?


 

Headlines ngayon sa mga pahayagan at mga newscast programs ang tumataas na kaso ng child abduction o pangunguha ng mga bata at kinukuha ang kanilang mga internal organ.

Ang mga magulang tuloy ay mistulang PSG sa sobrang pagbabantay ng kanilang mga anak at mga barangay tanod na gising 24 oras para rumonda.

Sa Valenzuela, napaulat na 6 na bata ang tinangkang i-kidnap ng mga taong naka-bonnet na nakasakay sa puting van na minsa’y walang plaka at minsan ay meron. Kaya ang mga paaralan doon ay nagpaskil na ng abiso para ma-informed ang mga guardian ng mga bata dahil balitang-balita na sa kanila ang pangunguha ng mga organ ng bata.

Noong mga nakaraang taon ay napabalita na ang ganitong kaso sa pamamagitan ng text message na nagsasabi na may rumorondang white van na may plate number na VMM 507 at kinukuha ang bata pati na rin ang internal organ at ipinapalit ito ng pera at tsaka lang itatapon kung saan saan ang bangkay.

May napaulat na may batang itinapon sa basurahan na wala nang bituka, minsan naman ay sa ilalim ng tulay na wala nang mga mata at puso. Nakalakip na lang sa loob ay perang nagkakahalaga ng P10,000-P50,000.

Ayon naman sa Local Government ay hindi raw totoo ang mga ganitong kaso dahil sila na ang nag-iimbestiga at ang lumabas ay negatibo.

Ngunit bakit sa mga child desk ng mga barangay hall ay may naitalang kaso ng child abduction at maraming nakapaskil sa pader ng mga nawawalang bata?

Kung totoo man itong kaso na ito, dapat paigtingin ang police visibility lalo na sa mga paaralan at mga komunidad na may maraming bata.

Maging alerto sa mga sasakyan hindi pamilyar sa lugar at mga taong nakapaligid lamang sayo.

At kung hindi naman totoo ang kasong ito, wag na ipagkalat dahil ito’y nakakasira ng imahe ng bansa at pinipigilan tayong makamit ang kapayapaan.


About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 13, 2011, in Change we need, Life Threats, News and tagged , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: