Kwaresma 2011- Pagnilayan, magsisi, magbago


Dumating na naman ang panahon ng Kwaresma. Panahon ng pagninilay-nilay, pagsisisi sa mga nagawang kasalanan at pagbabagong-buhay.

Itinuturing ng mga katolikong Pilipino ang panahon ng Kwaresma bilang isang espesyal na panahon kung saan inaalala ang mga ginawang sakrapisyo ni Hesukristo upang iligtas tayo mula sa ating mga nagawang kasalanan.

Ang Kwaresma ay nagsisimula kapag pumatak na ang Ash Wednesday na pinatutunayang nagmula tayo sa abo at babalik rin tayo sa abo.

Naging tradisyon na ng mga Pilipino kapag Kwaresma ang pagsisimba sa Linggo ng Palaspas. Nagmula ito nang sinalubong si Hesus ng mga taga-Jerusalem ng may dala-dalang mga palaspas bilang hudyat ng pagdating ng panginoon sa kanila.

Sinisimulan ang Mahal na Araw sa pagpapasyon o ang pagbasa ng bibliya ng pakanta tuwing Lunes Santo hanggang mabuhay uli si Kristo sa Linggo ng Pagkabuhay o Pasko ng Pagkabuhay.

Naging tradisyon na rin na kapag pumapatak ang Huwebes Santo at Biyernes Santo na pumunta sa mga grotto para magnilay-nilay at pumunta sa 14 stations of the cross na doon ipinapakita ang buhay ng ating panginoon.

Ilan sa mga Pilipino ay umuuwi sa mga kanya-kanyang probinsya o pumupunta sa mga dagat upang mag-enjoy at magnilay-nilay kasama ang mga mahal sa buhay.

Pagpatak ng Biyernes Santo, bago mag-tanghali ay may mga Pilipinong pumupunta sa Simbahan upang magnilay tungkol sa pagpapakasakit at huling 7 salita ni Hesus bago siya mamahinga na nakapako sa krus.

Pagdating ng Sabado de Gloria ay nananatili ang ilan sa mga bahay dahil ang araw na ‘yon ay patay ang Diyos at suma-lupa ang mga demonyo.

Pagdating naman ng Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday ay masaya ang lahat dahil nabuhay muli si Hesus. May mga palarong pambata katulad ng Easter Egg hunt ang ginaganap sa mga parke at nagpapasalamat sa Diyos.

Ang iba naman ay nagpapasalamat o humihingi ng kapatawaran sa Diyos dahil sa mga ginawa nilang kasalanan. Tuwing panahon ng Semana Santa ay maraming Pilipino ang gustong magbago at magbalik-loob sa Diyos.

Ang panahon ng Kwaresma ay panahon ng pagninilay-nilay, pagsisisi mula sa mga nagawang kasalanan at pagbabago. Itong panahon na ito ay dapat nating ihandog sa ating Diyos na pinapatunayan pa rin nating panig pa rin tayo sa mabuti at hindi natin siya nakakalimutan.

Sana ang panahon na ito ay makabuti sa ating estado, pag-iisip, pangkaluluwa, pisikal at pagiging Pilipino.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 10, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: