Lakaran hanggang sa Kinabukasan


Bawat paglalakbay sa buhay ay may paghamon sa ating mga puso’t damdamin.

Ang aking bawat paglakad papasok at papauwi galing sa paaralan o kahit paggala lamang ay marami akong nakikitang tama at mali.

Mga matatanda’t bata na pulubi na nakikipagsapalaran sa urban na buhay, mga masasamang loob na naghihintay ng mabibiktima at mga kamalian ng lipunan. Ito ang parati kong nakikita sa bawat lakad ko.

Halos gusto kong tumigil at lapitan ang mga nakikita ko dahil gusto kong malaman ang kanilang mga hinaing at gustuhin sa kanilang mga buhay ngunit hindi ko magawa dahil hindi pa gaano katatag ang aking loob na harapin ang totoong sitwasyon ng bayang ito.

Hindi na kaya ng aking puso at damdamin na pigilan ang aking emosyon sa bawat nakikita kong kamalian sa lipunan, para bang gusto ko nang isigaw sa taumbayan na “bakit ganito ang ating ginagawa? Puro mali!”

Ang mga taong nasasalubong ko ay may kanya-kanyang mukha. May simple, may masaya, may malungkot, may mukhang hindi maipinta at mga taong naghihintay ng pag-asa.

May nadadaanan akong tindahan ng telebisyon, minsan balita ang nakikita ko na ibinabalita ang walang saysay na problema ng bansa. Halos wala nang bakante ang mga magaganda at mabubuting balita.

Gusto kong tanungin ang sambayanan, “may kinabukasan pa ba ang bansang ito?” ngunit sa mga mukha pa lang nila ay sinasabi na nila na wala na tayong pag-asa upang umunlad.

Pamahalaan, pamahalaan, pamahalaan… Salita ng taon, dekada at milenyo. Walang saysay na hinaing ng bayan, hindi dinidinig at pinapakinggan ng pamahalaan.

Ang ating sandigan ay simboliko lamang at ang mga taong nakapaligid sa kanya ang mas nakakataas pa sa kanya, kulang na lang sila ang maging Pangulo ng bansa at magpatayan kung sino ba talaga ang dapat mamuno.

Minsan sa bawat paglalakbay ko ay may mga magaganda at positibong pangyayari ang nakikita ko. Ibig sabihin lang nito ay may mga Pilipino pa ring naniniwala na kaya pa natin ito kung positibo at produktibo tayo.

Pangako sa EDSA? Malabo nang matupad dahil sa negatibong pag-iisip. Pero, may mga Pilipinong pilit matupad ito at ipinapalaganap ang mabuting hangarin.

Maituturing natin na parang EDSA ang matuwid na daan, mahaba pa ang lalakarin bago magtagumpay at magtamasa ng kaginhawaan ngunit kung magkakaisa tayo, parang LRT/MRT ang ating bilis sa pag-unlad.

Pilipinas, may pag-asa pa! Tayo’y magkaisa para sa bayan nating iningat-ingatan ng mahabang panahon. Panahon na para sa bagong PILIPINAS!



About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 9, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: