Ang Modernong Kabataang Pinoy


 

Modernong panahon na, at pati na rin ang kabataan ay nakikipagsabayan na. Murang edad pa lang ay nagkakaroon na ng nobyo/nobya, nakikipagsapalaran upang may panustos sa pang-araw-araw na pamumuhay, at maagang nagkakaroon ng pamilya. Ito ang modernong kabataang Pilipino.

Kabataan rito, kabataan doon, iba na ang kabataang Pinoy mula pag-iisip hanggang sa pisikal na anyo.

Hindi katulad dati na nag-aaral mabuti, iniisip ang pamilya kaysa sa kanyang magiging pamilya sa hinaharap, at masigasig ang kanyang kaanyuhan sa buhay.

Araw-araw sa buhay ko ay may nae-encounter akong mga kabataang may kakaiba na anyo, pisikal man o mental.

Kasuotan nila’y pang-kanto at hindi pormal. Ang kanilang mga buhok ay mapapansin mong nakataas, may kulay at magulo.

Kapag sila’y papasok sa paaralan ay maliit na bag na laman-laman ang salamin, polbo, lipstick, foundation at iba pang ‘KIKAY KIT’ imbes na kwaderno, libro at ballpen.

Minsan kapag may nadadaanan akong mga kabataang nag-uusap tungkol sa pag-ibig ay gusto ko talagang takpan ng unan dahil nakakaumay, nakakabobo at nakakairita dahil paulit-ulit na at baduy na ang mga emosyong lumalabas.

Kapag naglalakad ako sa bangketa o sa pathwalk ay may makikita akong mga magkasintahan’ na hindi na mahiya sa mga nakakasalubong nila dahil naghahalikan ba naman!

Tapos ang iba ay nagtsi-tsimisan tungkol sa kanilang mga ‘ligaya moments’ with their ‘special someone’.

Parang gusto kong sumigaw at sabihin na “Bakit ganito na ang Kabataang Pilipino?! Anong kababalaghan ba ang sumapi sa kanila at ginagawa nila ang mga kahindik-hindik na gawain!!” dahil sa lantaran nilang pagsasagawa ng kakaiba nilang gawain.

Nagtataka ako kung sila ba’y ginagabayan pa ng kanilang mga magulang dahil sa kanilang mga pinaggagawa, halos itatanong mo sa sarili mo na ‘Wala ba silang mga magulang? Bakit nila pinababayaan ang kanilang mga anak? Hindi ba nila ito pinapansin?’

Halos nanlulumo at naaawa ako sa aking mga kabaro, hindi nila alam kung saang landas sila tumutungo. Gusto kong ipa-mukha sa kanila na nasa maling landas sila at isang malaking kamalian ang kanilang mga pinaggagawa nilang nakaka-eew.

Sana, makalawa o sa hinaharap, hindi na ganitong kabataan ang makikita ko. Ang mga makikita ko na lang ay mga produktibo at masigasig na kabataan na tungo sa landas ng pagbabago.


About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on March 9, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: