Kinalimutan ng panahon


Sila ang dating tagapagtaguyod at tagapag-unlad ng ating bansa, mga nagtatrabaho para makamit ang inaasam na maunlad na pamumuhay at nakikibaka para sa bayan. Pero ngayon, sila ay napag-iwanan na at minsan ay nakikita natin sa mga lansangan na humihingi ng kaunting tulong man lang.

Tuwing nakikita natin sila, halos nahabag at umiiyak ang puso natin dahil naiisip natin kung ano ang naiambag nila sa lipunan at ang kanilang pagod at sikap na maitamasa sa ating bagong henerasyon ang maunlad na pamumuhay.

Ilan sa atin ay nagbibigay sa kanila ng importansya at tulong para maisip nila na pinasasalamatan natin sila dahil sa kanilang naiambag.

Pero ang iba ay pinadadali na nila ang kanilang buhay at gusto nang tapusin ito.

Sana naman ay tumugon ang pamahalaan at bigyang-pansin nila ang mga taong nagbigay ng importansiya, at mga nagsakrapisyo ng malaking panahon sa buhay para lang sa ikabubuti ng bansa.

Bilang isang ordinaryong mamamayan na nagtatamasa ngayon ng masiglang pamumuhay, paano mo sila bibigyan ng importansiya at pasasalamat sa naiambag nila?

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on February 11, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need, Life Threats and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: