Bus Blast kills 5 people, 13 injured


MAKATI, Philippines- 5 patay at 13 sugatan nang pinasabugan ang isang bus sa kahabaan ng EDSA-Buendia.

Hindi pa matukoy kung sino at anong anggulo pero sinisiyayat na ng ating pulisya.

Isinailalim na ng PNP ang buong bansa sa Full Alert kaugnay ng insidente.

Mga minuto pagkatapos ng pagsabog, dumating sa pinangyarihan ng insidente si Makati Mayor Junjun Binay para siyasatin ang pinasabugang bus.

Tumambad sa kanya ang mga nagkalat na buto at dugo sa loob at isang naghihingalong lalaki.

Kasunod naman na dumating ay si Vice President Jejomar Binay upang siyasatin rin ang insidente.

Kaagad naman isinara ang kahabaan ng EDSA-Buendia Northbound upang magbigay-daan sa imbestigasyon.

Idinala na ang mga sugatan sa St. Luke’s Medical Center at inaalam pa ang mga pagkakakilanlan ng iba pang sugatan at namatay.

Kaagad namang nagpa-press conference si President Benigno S. Aquino III tungkol sa pagsabog ng bus. Terorismo ang tinitingnan na anggulo ni PNoy sa pagpapasabog ng bus sa EDSA-Buendia.

Ayon sa driver na si Maximo Peligro, may sumakay na kahina-hinalang dalawang lalaki at umupo. Imbes na sa Ayala Ibabaw pa bumaba, ito ay dali-daling bumaba sa Evangelista.

Lumikha ng isang malaking butas ang pagsabog sa bus.

Mga bandang 6:43pm ay hinila na ng wrecker ng MMDA ang pinasabugang bus papuntang Southern Police District upang ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Kagabihan ay binisita ni PNoy, DSWD Sec. Soliman, Press Sec. Edwin Lacierda at Ricky Carandang ang mga biktima sa St. Luke’s Medical Center.

Sasagutin ng pamahalaan ang mga gastusin sa pampa-ospital ng mga sugatan sa insidente.

Kama-kailan lamang ay nag-tweet si Sec. Ricky Carandang na ang kanilang huling binisita na si Irene Tenola ay pumanaw na kaninang 1am.

Terorismo, distibilasasyon at extortion ang mga tinitingnan na anggulo ng DILG at PNP.

Napag-alaman na 81mm Mortar ang ginamit na pampasabog sa bus.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on January 26, 2011, in Life Threats, News. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: