EDSA Dos: Isang Dekada


MANILA, Philippines- Isang dekada na ang lumipas nang mapatalsik ang dating Pangulong Joseph Estrada sa pamamagitan ng ikalawang Rebolusyon sa EDSA o ang EDSA II. Matapos bumaba sa puwesto si ERAP, nahirang bilang ika-14 na Pangulo ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo. Pero ang inaakala nating matapat na pamamahala sa kanyang panunungkulan ay isang panaginip lamang.

Tayo ba’y nagkamali?

Bago pa man nagkaroon ng mga malawakang protesta, ang ilang Pangulo ng ating bansa ay nahaharap na sa katiwalian. Katulad nina Roxas, Quirino, Macapagal, at si Marcos.

Noong EDSA I, napatalsik natin ang diktador na si Ferdinand Marcos. Halos nawala ang mga tinik sa mga puso ng bawat Pilipino nung mangyari iyon.

Inakusahan si ERAP ni Chavit Singson na sinasayang ang pera ng bayan sa sugal o jueteng.

Nahuli sa isang CCTV camera ang paglalaro ng mga sugarol kasama si ERAP.

Dahil sa mga malalakas na ebidensya, kinasuhan si ERAP ng impeachment.

Sa impeachment trial, nabunyag lahat ng mga transaksyon na may koneksyon sa katiwalian at pagnanakaw sa pera ng bayan.

DAY 1 (January 17, 2001)- Nagkaroon ng botohan sa Senado kung bubuksan o hindi ang isang envelope na naglalaman ng mga matitibay na ebidensya na si Estrada ay tiwaling opisyal.

VOTED TO EXAMINE:

  1. Rodolfo Biazon
  2. Renato Cayetano
  3. Franklin Drilon
  4. Juan Flavier
  5. Teofisto Guingona, Jr.
  6. Loren Legarda
  7. Ramon Magsaysay, Jr.
  8. Sergio Osmeña III
  9. Aquilino Pimentel, Jr.
  10. Raul Roco

VOTED AGAINST EXAMINING:

  1. Robert Jaworski, Sr.
  2. Blas Ople
  3. Juan Ponce-Enrile
  4. Vicente “Tito” Sotto III
  5. Anna Dominique “Nikki” Coseteng
  6. John Henry Osmeña
  7. Gregorio “Gringo” Honasan
  8. Teresa “Tessie” Aquino-Oreta
  9. Ramon Revilla, Sr.
  10. Francisco “Kit” Tatad
  11. Miriam Defensor-Santiago

Nag-resign bilang Senate President na si Aquilino Pimentel, Jr. at nag-walkout kasama ng 9 oposisyong senador at 11 na prosecutor sa Impeachment Trial.

Ang mga senador na bumoto ng ‘YES’ para hindi mabuksan ang envelope ay nanatili sa Session Hall ng Senado.

Pero noong February 2001, nabuksan ang envelope at sinasabing si Jaime Dichavez ang nagmamay-ari ng ‘Jose Velarde Account‘ at hindi si Estrada.

Sen. Tessie Aquino-Oreta, isa sa mga senador na bumoto laban sa pagbukas ng envelope ay nakita sa telebisyon na ‘sumasayaw’ nang mag-walkout ang mga taga-oposisyon.

DAY 2 (January 18, 2001)- Nagsisimula nang dumami ang mga taong maka-oposisyon sa EDSA Shrine upang ipinawagan kay ERAP na mag-resign na siya sa pwesto.

DAY 3 (January 19, 2001)- Ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay nakiisa na sa mga taong maka-oposisyon sa EDSA Shrine.

2:00PM- Lumabas sa telebisyon si Estrada na sinasabi na hindi siya bababa sa pwesto hangga’t hindi pa siya binibigyan ng hatol sa impeachment trial.

6:15PM- Lumabas uli sa telebisyon si Estrada at nagpapatawag ng dagliang pambansang halalan na gaganapin sa ika-14 ng Mayo, 2001. Idinagdag pa niya na hindi siya tatakbo sa halalan.

DAY 4 (January 20, 2001)- Bandang tanghali ay nanumpa na bilang Pangulo ng Pilipinas si Gloria Macapagal-Arroyo na nasa EDSA Shrine.

2:00PM- Nagpalabas si Estrada ng isang liham na nagsasaad na illegal ang paghirang kay Arroyo bilang Pangulo ng bansa.

Pagkatapos ipalabas ang liham, ang pamilya Estrada ay lumabas sa Palasyo, nakangiti at nagpapaalam sa mga reporters at kinakamayan ang kanyang gabinete.

“Ang mga pangyayari sa ating kasaysayan ay maaaring makasama sa kinabukasan. Katulad ng EDSA II na hinirang natin ay mas malala pa kay Marcos at Estrada. Sana’y wag na natin ito ulitin at bigyan-pansin ang mga mahahalagang bagay na makatutulong sa pagsulong ng bansa.”



;

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on January 20, 2011, in Buhay Pilipino, Change we need, Nation, News, Politics and tagged , , , . Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. EDSA 1, nagbigay daan tungo sa Demokrasya.

    EDSA 2, nagbigay daan tungo sa disgrasya!

  2. well filipino’s is right about what they do……they just select the right person to lead there country……
    but the most terrible is what they elect after Estrada

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: