Doomsday: A Worldwide threat


Pandaigdigang pagbaha, kakaibang Snow Storm sa Kanluran, paglabas ng 13th Zodiac Sign, ito na ba ang mga senyales ng nalalapit na PAGGUNAW NG MUNDO?

Marami sa atin ang nagtatanong kung paano maggugunaw ang mundo. Marami rin ang sagot sa tanong na yan. Isa-isahin natin ang mga posibleng scenario ng ‘doomsday’.

Isa na rito ang paglapit at ‘pagbagsak’ ng Asteroid 99942 Apophis. Noong 2004, natuklasan ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ang isang Near-Earth Object na asteroid na posibleng bumagsak sa planeta. Itinaas sa unang antas sa Torino Scale ang nasabing asteroid at binigyan ito ng pangalan na ‘99942’, ‘MN4 2004’ at ‘Apophis’. Masusi nila itong binantayan at tinaya ang mga scenario bago bumagsak at pagkatapos bumagsak sa mundo. Inaasahang lalapit ng mahigit 40,000 kms. above the ground ang asteroid sa April 13, 2029. Kung hindi man bumagsak sa mundo sa nasabing taon, ito’y talagang inaasahang bumagsak na sa April 13, 2036. Ito ay tinansyang babagsak sa Russia, gugulong papuntang North Pacific Ocean, unti-unting bababa at didiretso papuntang Los Angeles, tatagos sa Mexico at titigil sa Africa. Ito ay makakagawa ng isang megatsunami kung sa dagat man ito bumagsak, at masisira ang isang buong siyudad kung sa lupa man ito babagsak. Ngayon, ibinaba na ang alert 1 sa 0 ng Torino Scale.

Isa pang senyales ang pandaigdigang pagbaha na patuloy pa rin hanggang sa ngayon sa mga ilang bahagi ng Australia, Brazil, Sri Lanka, South Africa, Middle East, at Pilipinas. Naranasan ng Australia ang pinakamalaking pagbaha sa kanila sa loob ng 1 siglo. Halos lubog ang mga siyudad malalapit sa karagatan ng Timog Pasipiko at bumagsak ang mga linya ng komunikasyon. Tinatayang 31 ang namatay, 20 ang nawawala at $50 bilyong halaga ng ari-arian ang nasira. Sa Brazil, 600 katao ang namatay at patuloy pang nadaragdagan sa mga pagbaha at landslide. Hinagupit na rin ang Sri Lanka kung saan 23 ang patay. 1 patay naman sa pag-apaw ng ilog dahil sa malakas na ulan sa South Africa. Sa Jeddah, bumaha dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan. Sa Silangang bahagi ng ating bansa, halos 71 katao na ang patay dahil sa walang humpay na pag-ulan at pagguho ng lupa. Itinaas na ang State of Calamity sa ilang probinsya.

Binulabog naman ang mga mahilig sa Horoscope ng hindi inaasahang ‘paglabas’ ng ika-13 na Zodiac Sign, ang Ophiuchus. Naglabas ng article tungkol sa malaking pagbabago sa Zodiac Sign ang isang website. Halos nabulabog ang lahat ng mga gumagamit ng Facebook at Twitter dahil sa nasabing article na magbabago at madaragdagan ang Zodiac Sign.

Halos hindi ko na maipaliwanag ang ilan pang senyales o kung paano maggugunaw ang mundo. Pero isipin natin na wag mangyari ito at tayo’y magbawas ng kasalanan. Sana naman, magsilbing paalala sa inyo at mamuhay tayo ng mapaya

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on January 18, 2011, in Change we need, Life Threats, News, World and tagged , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: