The ‘last days’ of Enrile being a Senate President


MANILA, Philippines- Kama-kailan lamang ay napabalitang may pinaplanong coup d’ etat ang mga Senador na ‘pinangungunahan’ ni Sen. Franklin Drilon, Chairman ng Liberal Party laban sa kasalukuyang Senate President na si Sen. Juan Ponce Enrile.

“Mabuti ngayon niyo ito ibinigay dahil kung bukas, baka hindi na ako Senate President,” binigkas ni Enrile habang pinararangalan siya ng Armed Forces of the Philippines.

Siya ay inihalal bilang Senate President noong Nobyembre 17, 2008 ng 13 senador. Isa siya sa mga pinakamatagal na nanungkulan at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Subok na siya sa lahat ng mga isyu at problemang ikinahaharap ng bansa.

Ngunit, bakit siya pinaplanong tanggalin sa pagka-Pangulo ng Senado?

Nahikayat si Enrile na ipagpatuloy ang pagka-Senate President nung nakaraang taon dahil sa suporta ng maraming Senador.

“Sinabi ko rin kay Kiko, sinabi ko kay Frank, sinabi ko kay Manny anytime na gusto ninyo ang puwesto ko at meron na kayong suporta sabihin lang ninyo at magbabalot na ako,” sabi ni Enrile sa tatlong gusto sa pwestong Senate President.

Isa sa mga tinitingalaan ko sa larangan ng pulitika ay si Sen. Enrile. Bakit? Dahil siya ay subok na at matagal nang nanunungkulan bilang Senador. Isa siya sa mga haligi kung bakit napatalsik si Marcos at napaka-fair niya. Ok lang naman kahit hindi na siya maging Senate President, atleast ang kanyang serbisyo publiko at pagmamahal sa bansa ay kanyang ginagawa pa rin.

About The Filipino Servant

Kent Ryan Masing, Author of The Filipino Servant

Posted on January 14, 2011, in Change we need, Politics. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Your comment here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: