Category Archives: Bagong Pilipinas

Negativism-free Philippines

“Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng kung anu-anong pangit sa ating bayan? At napakahirap—parang kasalanan—na magsabi ng maganda? Naalala pa po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa kapwa Pilipino?” Pres. Benigno S. Aquino III, SONA 2011

Bakit ang hirap sa ating mga Pilipino na maghanap ng kapangitan sa bayan? Kung may magandang naigawa ang isa, hahanapin natin yung kabaliktaran at siyasatin ang kahinaan. Dahil sa pag-iisip natin ng negatibo, ang lahat ng mga positibong kahihinatnan ng bansa ay hindi natutuloy o napapalitan ng duda.

Noong nakaraang SONA 2011, maraming aktibista o rallyista ang nagtipun-tipon sa labas ng Batasan Pambansa upang iprotesta ang mga kabiguan ng gobyerno na sugpuin ang mga problema ng bansa sa unang taon ng panunungkulan ng administrasyong Aquino. Live na nakita sa telebisyon ang kanilang pagsusunog ng effigy ni Aquino, nakuha pang mag-indayog paikot sa nasusunog na effigy at tinawag na ‘inutil’ si Noynoy.

UNANG TAON pa lang mga kababayan, ang equivalent ng isang taon ay 365 araw at hindi anim na taon. Ngayon, nagrereklamo sila dahil mabagal na pag-usad ng kaunlaran, hindi nila inisip na tulungan ang gobyerno sa paglutas ng mga problema ng bansa at puro batikos at negative thoughts ang ipinupukol nila sa administrasyon. Anong nangyari? Eh di wala masyadong nagawa ang pamahalaan dahil sa kanila.

Isa pang halimbawa ay ang pagsakay sa barko. Kapag sumakay ka ng barko ay bawal kang mag-isip ng negatibo o masama, ang dapat mo lang isipin habang naglalayag ay makakapunta ka sa karoroonan mo. Tingnan mo, lahat ng mga pasahero ay may dala-dalang rosaryo at palaging nagdarasal na ligtas silang makabiyahe.

Ihalintulad mo ang isang lipunan na may positibong pananaw sa buhay kesa sa lipunan ngayon na puro negatibo ang pag-iisip. Kung positibo at masaya ang ating pananaw tungkol sa ating hinaharap, hindi mahirap isipin na mabilis ang pag-unlad kesa sa magreklamo dahil sa sobrang bagal ng sistema at hindi man lang tinutulungan ang mga iniluklok nila sa pwesto upang resolbahin ang problema ng bayan.

Ang isang bansa ay masasabing may magandang hinaharap kung ang tao nito ay nakatingin sa positibo at hindi sa negatibo. Ang mabuting pagplano sa inyong buhay na walang pag-aalinlangan ay susi sa pagbabago.

Itigil na natin ang bangayan, batikos at pag-iisip ng negatibo dahil wala tayong makakamit ni-singko kung patuloy pa rin ang kulturang ganito. Isipin natin ang mabuti at positibong imahen ng ating lipunan at tulungan natin ang pamahalaan na lutasin ang kinahaharap na problema ng bansa.

SONA 2011: Transformation

Muli nating napakinggan at napanood ang Talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino III ukol sa kalagayan ng bayan o ang ‘State of the Nation Address’ na ikalawa na niya ito sa kanyang termino.

May mga natuwa dahil sa kanyang pagpupursigi na mapaunlad ang buhay sa bansa, at ang iba ay siyempre ay hindi natuwa dahil walang kongkretong solusyon sa mga problema ng bayan.

Siyasatin natin ang kanyang Ulat sa Bayan.

‘Utak wang-wang’

Makailang beses ito sinabi ni PNoy sa kanyang SONA. Ayon sa kanya, sumisimbolo ang ‘wang-wang’ sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno o kaya’y may mga ordinaryong trabaho ngunit hindi nagbabayad ng tamang buwis. Mga anomalyang dehado ang bayan at ang pagwaldas sa kaban ng bansa. Hinirit niyang may 1.7 milyong self-employed at professional tax payers ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Kahirapan

Sinambit ni Pangulong Aquino na bumaba ang porsyento ng mga mahihirap na pamilyang hindi makakain nang kumpleto sa isang araw. Noong Marso, 20.5% ang porsyento ng mga gutom na pamilya, at ngayong Hunyo ay bumaba ito at nasa 15.1 % na lang ito, katumbas ng 1 milyong pamilya.

Stock Market

Ibinida niya ang pitong beses na lumagpas sa all-time high ng stock market, na hindi kapani-kapaniwala sa ilan.

Pantawid Pamilyang Pilipino

Dahil sa malaking pera na natipid, maaari nang sagutan ang 2.3 milyong benepisyaryo ng CCT hanggang sa katapusan ng 2011.

“Kung walang Corrupt, walang mahirap!” campaign

Patuloy pa rin binibirada ni Aquino ang mga nagkasala sa bayan at nagnakaw sa kaban ng bayan. Pinangako niyang masasampahan na ng kaso ang mga tiwaling opisyal at nagkasala sa lipunan. Magpapatuloy pa rin ang kampanya kontra-katiwalian dahil na rin may sumusubok pang magnakaw. Ang solusyon niya para matapos ang katiwalian ay ang ‘zero-based budgeting’ kung saan hindi muna bibigyan ng pondo ang mga proyekto o ahensya kung wala pa itong final na desisyon.

Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas” 

Halos nasiyahan ang mga dumalo sa SONA nang ipahayag ni PNoy ang capability upgrade at modernization ng Sandatahang Lakas upang maprotektahan ang teritoryo ng bansa. Sinabi rin niya na naglalayag na papunta sa bansa ang bagong binili na warship ng Philippine Navy sa US Navy na BRP Gregorio del Pilar na poprotekta sa West Philippine Sea at Kalayaan group of islands na kamakailan lang ay naging tensyonado dahil sa agawan ng China, Vietnam at Pilipinas. Handang ipaglaban ng bansa ang karapatan natin sa Spratlys at sa WPS sa International Tribunal for the Law of the Sea.

Pabahay

Ipinahayag rin ni Aquino sa kanyang SONA ang pabahay para sa mga sundalo at kapulisan na may maliliit na sahod. Balak targetin ng administrasyon na simulan na ang pagpapatayo ng mga pabahay sa Visayas at Mindanao para sa Sandatahan.

Pag-aangkat ng bigas

Bumaba ng kalahati ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa, kung noong nakaraang taon ay 1.3 milyong toneladang bigas ang inangkat, ngayon ay 660,000 toneladang bigas na lang ang inaangkat dahil na rin sa epektibong rice productivity.

Anti-Human trafficking

Natanggal na ang Pilipinas sa Tier 2 watchlist ng Trafficking in Persons Report ng United States dahil sa epektibong pagsugpo sa human trafficking na maaaring maging susi upang makakuha ng grant sa Millennium Challenge Corporation.

Trabaho

Ayon sa kanya, bumaba ng 8 na puntos ang unemployment rate ng bansa na noong Abril 2010, pumalo sa 8%. Naibaba nila sa 7.2% katumbas ng 1.4 milyong trabaho ang nalikha. Balak sugpuin o iwasan ng DOLE, CHED, TESDA at DepEd ang job mismatch na kung saan may 50,000 trabaho ang hindi napupunuan ayon sa Philjob.net.

ARMM poll postponement

Ayon sa COA, 80% ng disbursement sa ARMM ang napunta sa cash advance ngunit wala itong pinatunguhan. Habol lamang ng mga opisyales ang susunod na halalan at hindi ang pagserbisyuhan ang kanilang nasasakupan.

Solusyon sa baha

PNoy: Isa sa mga solusyong hinahanda na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani, makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers, na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang namumuhunan din sa kalikasan.

DOST inventions

Ibinida ni Aquino sa kanyang ulat ang mga imbensyong nagawa ng DOST katulad ng mosquito trap na kayang patayin ang mga lamok, landslide sensor kung may nagbabantang pagguho ng lupa at mga kagamitang magbibigay-babala kung tumataas ang lebel ng tubig sa mga ilog. Ibinida rin ang proposal ng monorail system, katuwang ang UP upang matugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon.

PAGCOR coffee expenditure

Halos nagulat at natawa ang mga nakikinig sa SONA ni PNoy nang ipahayag niya ang P 1 bilyong gastos para sa kape ng dating pamunuan ng PAGCOR. Nagbiro pang hanapin ang mga ito at tanungin kung dilat pa ba sila hanggang ngayon.

Ombudsman Conchita Carpio-Morales

Inanunsyo na rin ang pag-appoint kay dating Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang Ombudsman at ang unang trabaho nito’y sampahan ng mga kaso ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Patama

Sinabi rin ni Aquino na itigil na ang pag-iisip ng negatibo at pagtuunan na lang ng pansin ang mga positibong bagay na ikauunlad pa ng bayan. Ang mga taong nagsasabi na hindi magiging katotohanan ang mga ipinangako niya sa bayan at ang ilang nagsasabi na hindi siya magiging matagumpay.

Opinyon ng bayan

Ang iba ay natuwa dahil patuloy pa rin niyang nagagampanan ang kanyang mga ipinangako sa sambayanan at ang ilan naman ay galit pa rin kay Aquino dahil wala pa ring solusyon sa mga problema ng bansa. Binigyan ng passing grade si Noynoy ng mga Senador, kongresista, mga espesyal na tao at ordinaryong tao na naniniwala pa rin sa kanya na makakayanan niya ito. Habang bagsak na grado naman ang ibinigay ng mga aktibistang nagprotesta sa labas ng Batasan Pambansa laban kay Aquino.

SONA 2011: Muli nating alamin ang kalagayan ng bayan

The Coverage

Malapit na naman ang inaabangan ng bayan, ang paghayag ng kalagayan ng bansa o ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno S. Aquino III kaya ang The Filipino Servant katuwang ang mga prominenteng news organizations ng bansa ay ihahatid sa inyo ang mga pangyayari simula July 25, 2:30 ng hapon.

Matutunghayan niyo ang kauna-unahang coverage sa pamamagitan ng social networking sites at ang live blogging sa aming “SONA 2011″ tab sa aming fan page. Kasabay ng mga commentaries sa pamamagitan ng Twitter ng ABS-CBN News, GMA News at News5 at mga in-depth reports ng Newsbreak ay hihingin po namin ang inyong opinyon tungkol sa SONA. Maglalagay rin po kami ng live stream upang matunghayan natin ang talumpati ni PNoy sa buong bansa.

Mga paghahanda, mga dapat abangan at ang opinyon ng bayan tungkol sa SONA ay aming ihahatid sa inyo bago, habang at pagkatapos ng SONA. Tuluy-tuloy ang coverage hanggang 5:30pm.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang makinarya ng internet ay gagamitin namin upang matutukan ng husto ng mamamayang Pilipino ang SONA na kung saan malalaman natin ang kinabukasang naghihintay sa ating bansa.

Mga dapat abangan

Usap-usapan ngayon ang mga dapat abangan sa SONA ni PNoy. Isa na rito ang sinasabi niyang malapit nang makasuhan ang mga nagkasala sa bayan, ang kanyang mga priority bills, mga reporma at iba pang plataporma niya sa susunod na 5 taon.

Ngunit ang tanong ng bayan, may reporma na ba silang mararamdaman hanggang sa susunod na 5 taon?

 

by: Kent Ryan Masing | Gil Mar Moriones

Responsible social networking

 

Alam natin ang social networking ay pakikisalamuha at pakikipagkaibigan sa ibang mga tao. Dito tayo nakakatagpo ng mga kaibigan na handang umalalay at makakakita ng totoong personalidad. Ginagamit rin bilang komunikasyon sa mga mahal sa buhay ang mga social networking sites katulad ng Facebook, Twitter at iba pa.

Ngunit ngayon, ano na ang nangyari? Halos landian na lang at puro ‘face-off’ powered by PiZap. Mga kabataang ‘in a relationship’ na ang status sa profile at mga ibang fan page na wagas, baduy at puro prostitusyon ang nilalaman.

Bago ka makipagsalamuha sa iba, dapat alam mo ang responsableng paggamit nito dahil magkamali ka lang ni-isang detalye at makita ito ng milyung-milyong tao sa buong mundo na gumagamit ng social media, hindi mo na mababalik ang oras.

Maging responsable ka sa paggamit nito dahil ang mga social networking sites ay ginawa upang gamitin sa magandang pakay at makabuluhang komunikasyon at hindi ito ginawa upang maglandi at magpakita ng mga kalunus-lunos na bahagi ng iyong buhay.

Dapat alam mo kung anong sasabihin mo sa buong mundo at kung may tumutol man sa sinabi mo, handa mo itong tayuan at panindigan. Mahirap nang may tumututol at palayo naman sa pinag-uusapan.

Ang mga fan page sa Facebook ay ginawa upang malaman ang iyong katayuan sa lipunan at hindi sa mga lines sa commercial at puro prostitusyon ang nilalaman. Ito’y nagpapakita ng mga taong pinagbuklud-buklod sa isang ideya na may makabuluhang diskusyon. Dahil ngayon, pugad na ng mga masasamang elemento ang ibang mga fan page at bilang na lang sa kamay ang mga page na may makabuluhang katayuan sa lipunan.

Ang pagiging responsable sa paggamit ng ganitong makabagong teknolohiya sa komunikasyon ay isang malaking hakbang upang mapagbuklod ang bayan sa iisang krusada at mapaunlad ang kanilang pag-uugali para sa isang bansang konserbatibo katulad ng Pilipinas.

 

Nasaan na ang Bayanihan?

Noong kapanahunan pa ng mga lolo’t lola natin ay uso ang ganito. Nagtutulungan sila upang maitaguyod ang kanilang mga gusto at tinutulungan ang mga nangangailangan.

Ngayon, hanggang larawan na lang mga eksenang ito o kung may unos o trahedya. Pilit itong ipinapaalala sa atin ngunit ang iba nating kababayan, halos pansariling interest na lamang ang inaatupag. Madalang na ito makita, siguro sa mga probinsyano na lang ito nakikita.

Bayanihan, paano natin ito maipapakita sa isang lipunang walang pakialam sa kanilang kinagagalawan?

Ang bayanihan, isang gawaing tatak-Pinoy na maipagmamalaki sa buong mundo. Ngunit ito’y napapakita na lamang sa tuwing may dumaraang unos o sakuna na para bang bilang na sa kamay ang beses na makikita natin ito. Halos magkanda-ugaga na ang mga institusyon upang ipaalala sa atin ang ganitong gawain at ipagbigay-alam sa susunod pang henerasyon ang ibig sabihin nito.

Hanga ako sa mga taong pilit pa rin na isinasabuhay ang bayanihan dahil para sa kanila, ito ang susi ng pagbabago.

Sa lipunang pansariling interest lamang ang prayoridad, ang bayanihan ay pwede pa ring ipakita at baguhin ang takbo ng kanilang buhay.

Dahil uso ngayon ang social media, ipalaganap natin ito sa pamamagitan ng ganitong komunikasyon sa paraang makakapukap ng pansin sa kanila katulad ng mga trivias, mga larawan at mga kwentong may kaugnayan sa bayanihan. Pwede rin nating ituro sa kanila ang ibig sabihin nito sa mga paaralan. Sa mga asignaturang may diskusyon tungkol sa pagtutulungan at pagkakaisa, pwede nating ipalaganap sa mga estudyante ang kahalagahan ng bayanihan. O kaya naman pagpapakita ng bayanihan sa aktwal na buhay katulad ng pakikisalamuha sa mga grupong tinutulungan ang mga nangangailangan o kahit sa sarili mo lamang, sa simpleng pagsunod sa batas at pagtulong sa kapwa ay maipapakita mo ang gawaing ito.

Ang mga Pilipino ay kilala sa larangang ito, sana ay patuloy na maipakita at mapanatili ang ganitong magandang gawain dahil ito ang susi upang umunlad ang pamumuhay ng bawat isa. Ang bawat pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili kaya ating tulungan ang bayan bago ang ating sarili.

Aquino administration: One year after


Mag-iisang taon na mulang mailuklok sa pwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III at ang kanyang gabinete. ‘Ipinamana’ sa kanya ang mga iniwang problema ng nakaraang administrasyon na ang ilan dito’y naresolba o patuloy pa ring hinahanapan ng solusyon. Mahirap talaga sa isang bagong pamahalaan na resolbahin ang daan-daang problema ng dating administrasyon, lalo na ang malaking utang ng bansa sa ibang bansa at pandaigdigang institusyon sa pananalapi. Ngunit, pinipilit pa rin ng administrasyong Aquino na bigyan ng masagana at matiwasay na buhay ang mamamayang Pilipino.

Ilang problema rin naman ang naresolba lalo na ang katiwalian sa pamahalaan. Nabuking ang ilang kaso ng katiwalian mula sa opisina ng Ombudsman, PCSO at pati na rin sa hukbong sandatahan ng bansa. Ito ang naging trademark ng administrasyong Aquino sa kanilang unang taon, ang pagsupil sa katiwalian.

May pag-usbong na rin ng reporma pagdating sa trapiko. Nariyan ang ‘walang wang-wang’ policy, ang magdamagang pagbabantay ng MMDA enforcers sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila, ang pagkakaroon ng speed limit, ang pagdidisiplina sa mga reckless na PUV drivers, at ang pag-aayos ng mga kalsadang nilipasan na ng panahon.

May kaunti na ring nasisilayan na reporma sa social development, dahil na rin sa programa ng DSWD na ‘Pantawid Pamilyang Pilipino’ o ‘Conditional cash-transfer’ program na kung saan ay bibigyan ng sapat na pangangailangan ang mga pamilyang mahihirap sa bansa.

Sa mundo ng imprastraktura at transportasyon, naging sagot ang Public-Private partnerships sa ilalim ng DOTC at DPWH para sa mas mabuti pang kalakalan at umunlad ang ekonomiya ng bansa.

Sa agrikultura at kalikasan, naging programa ng pamahalaan ang National Green program upang panatilihin ang mga kagubatan at palakasin pa ang produksyon ng palay, gulay at iba.

Sa edukasyon, ipinatupad na ang K-12 education program para sa mas tutok na pag-aaral at maraming matututunan ang mga kabataan.

Sa hukbong sandatahan, naglabas na ng P40 billion si Pangulong Aquino upang mapabuti ang military capabilities at mga bagong equipments ng AFP.

Sa disaster preparedness, napabuti na ang weather forecasting mula nang pinuna ni Aquino ang kamalian sa forecast ng PAGASA noong tumama ang Bagyong ‘Basyang’ sa bansa noong July 2010. Pati na rin sa PHIVOLCS, at NDRRMC ay nag-improve na ang kanilang taya at paghahanda.

May mga reporma na ring nasisilayan sa kalusugan, hustisya, seguridad at iba pa ang taumbayan na makakatulong sa kanilang buhay ng malaki upang maging matagumpay sila balang-araw.

Hindi rin maiiwasan ang pagkwestyon sa pamumuno, programa at transaksyon ng pamahalaan simula nang mailuklok sila pwesto hanggang mag-iisang taon na sila sa posisyon. Problema rin ang pagdami ng walang trabaho at gutom na pamilyang Pilipino.

Para sa amin, isang matagumpay na naisulong at isinusulong pa rin ng gobyerno ang kanilang programang makakatulong sa mga mamamayan ngayong mag-iisang taon na sila. Ngunit hindi nila natatakasan ilang mga isyu at kontrobersyang bumabalot sa mga transaksyon sa administrasyon. Pero patunay pa rin yan na hindi papahuli at magpapasuko ang administrasyong Aquino sa ilang suliranin at mga pagpuna sa kanilang pamumuno.

Binibigyan namin ng isang mataas na grado na 86% ang Aquino government sa unang taon nila sa pamunuan.

Pero tandaan natin na masyado pang maaga para husgahan ang kanilang pamamalakad dahil hindi pa natin alam ang patutunguhan ng kanilang programa at reporma sa susunod na limang taon. Tandaan rin natin na huwag tayong palaasa sa ating pamahalaan dahil ang pagbabago ay nagsisimula sa mamamayan at ang pamahalaan ang nagtuturo at umalalay sa atin papunta sa mithiin nating landas na pagbabago.

Dapithapon: A must-see documentary

“Lumaki sa hirap, patuloy na naghihirap,” ito ay pinatunayan ng mga matatanda na ang iba sa kanila’y naghahanapbuhay upang buhayin ang kanilang pamilya, ang iba naman ay balo na at nalayo sa mga minamahal sa buhay at ang ibang matatanda ay ibinigay na lamang sa isang institusyon upang doon ay matutukan. Maituturing natin na pinagkaitan sila ng panahon ngunit ang kanilang pagpupursigi na makatikim ng matiwasay at magandang pamumuhay ay kahanga-hanga.

Ang mga mapapanood niyo ay mula sa isang documentary na ipinalabas sa Reel Time ng GMA News TV na umere noong May 29. Ito ay pinamagatang ‘Dapithapon’.

Sa ilan nating mga kababayan, itong dokumentaryo ay dapat panoorin ng lahat dahil sa kasalukuyang panahon natin, patuloy pa ring nagtatrabaho ang mga Lolo’t Lola natin na dapat na sila’y nasa bahay at nagpapahinga o mga matatandang itinurn-over na sa institusyong gumagabay sa mga senior citizens na hindi na kayang arugain pa ng sarili nilang kadugo.

Sana may kapulutan tayo ng aral at bigyang-pansin natin ang mga dating nagtrabaho at nag-alay ng kabanata sa buhay upang matamo natin ang ating tinatamasa ngayon.

Sa mga nais magbigay ng donasyon sa Haven for the Elderly, makipag-ugnayan sa numerong (+63) 929-1187

‘Falcon': Second rate, trying hard storm

(UPDATE) MANILA, Philippines—Over 300,000 people  in 27 towns and 14 cities across four regions, including Metro Manila and Bicol, were affected by destructive floods wrought by Tropical Storm Falcon (Meari), which brushed the country’s eastern seaboard before exiting Saturday, officials said.

Some 75,000 were evacuated from their homes, more than half of whom in Albay province, and 20,000 in Metro Manila, according to a report by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sixty-six houses were damaged, including 15 houses in Quezon City that had their roofs blown off by a twister.

In the report, NDRRMC executive director Benito Ramos said there were no fatalities so far, although 15 remained missing—nine in Virac town in Catanduanres, three in Camarines Norte, one in Ligao, Albay, one in Rizal and one in Olongapo City.

There were originally 10 missing in Virac, a group of fishermen whose boats were swept away by rough seas, but one was found alive in Northern Samar after four days and nights at sea, Ramos said in a radio interview.

One injury was reported in Quezon City, a 14-year-old girl who suffered cuts from debris blown away by the twister, NDRRMC said.

NDRRMC monitoring of various dams and rivers showed that water levels had started receding, except in La Mesa and Ipo Dams, which as of Saturday morning were at critical levels, and Marikina River, Rosario Junction and San Juan River, which remained above the critical level, though Ramos said the Marikina River had started going down as well.

“The continuous moderate to heavy rains have caused an increase in the elevation of the La Mesa Dam to its overflow elevation of 80.15 meters. The excess water is expected to affect the low-lying areas along the Tullahan River, Fairview, Novaliches, and the Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela),” NDRRMC said.

“All the residents living in the aforementioned areas are advised to be alert for possible increase in water level downstream,” it said.

The agency said Ipo Dam management also opened three spillway gates to release excess water.

“Release of excess water is expected to increase the water level downstream of Ipo Dam. The release of water will be continued until the elevation of Ipo Dam stabilizes to its operating/normal level,” NDRRMC said.

Ramos, in the radio interview, said the small number of casualties and the fact that there had been no reported deaths showed that the people had learned  lessons from Tropical Storm Ondoy (Ketsana), which in 2009 left more than 400 dead.

“The people had a good response. They evacuated readily. They learned the lessons of Ondoy,” he said. – DJ Yap, Philippine Daily Inquirer

 

Rizal @ 150: Haligi ng Bayan

Isinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861 ang batang pinangalanang Jose Rizal. Lumaki sa marangyang pamilya sa Calamba, nakapag-aral sa Ateneo de Manila University at University of Santo Tomas at sa ilang kilalang paaralan sa Europa, isang manggagamot at isa ring bayani.

Ipinaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino noong kapanahunan ng mga Kastila. Siya ang sumulat ng Noli me Tangere at El Filibusterismo na naglarawan ng kanser sa lipunan, di-pantay na pamumuhay sa bansa at ang pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino at ito rin ang nagpagising sa kamalayan ng mga rebulusyonaryo upang supilin ang mga mananakop. Inialay niya ang kanyang buhay para sa pagpapalaya sa Pilipinas at ito ang nagpasimula ng rebolusyon laban sa mga mananakop.

Ang pambansang bayani

Siya’y itinanghal na pambansang bayani ng ating lahi. Dahil sa kanyang sakrapisyo at pagmamahal sa bayan. Ang hindi paggamit ng dahas sa kanyang pag-aaklas laban sa mga Espanyol at ang kanyang katangian na inspirasyon ng ilan nating kababayan. Ang hindi niyang matatawarang kontribusyon sa pagyabong ng kaisipang-kultura, panitikan at pampulitika ang naging batayan kung bakit siya ang itinanghal na pambansang bayani ng Pilipinas.

Inspirasyon ng lahat

Inspirasyon ng mga Pilipino si Jose Rizal. Walang Pilipinong hindi iniidolo ang pagka-bayani ni Rizal. Dahil sa kanyang pagkamakabayan at pagtatanggol sa bayan, na naging sandata ng mga rebolusyonaryo noon at naging mitsa ng paglaya ng Pilipino.

Makabayang Pilipino

Hindi niya iniwan ang Pilipinas at ito’y bumalik sa kanyang bansang sinilangan matapos ito makapag-aral sa Europa. Ipinakita niya ang pagmamahal niya sa bayan sa pagsasalarawan ng problema sa lipunan at ang pagkakahati ng estado sa buhay. Sa kanyang paningin, walang mahirap o mayaman. Lahat ay pantay-pantay at purong Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.

Si Rizal sa Modernong panahon

Hindi na nga ba maisabuhay ang mga katangian at kontribusyon ni Rizal? Ilan sa atin ay hindi na matandaan ang naging papel ni Rizal sa kasaysayan ng bansa. Dahil sa inuuna ang sariling kapakanan bago ang bayan, naging problema na ng mga guro sa Filipino at Araling Panlipunan ang ganitong sitwasyon na hindi na maalala ng kabataan si Jose Rizal. Pero ang iba nating kababayan ay patuloy na kinakampanya at isinasabuhay ang katangian ni Rizal sa modernong panahon. Ang pagkamakabayan at pagmamalaki sa sariling lahi ang naging alas ng ilang Pilipino upang manatili sa puso’t diwa ng bawat isa ang ating pambansang bayani.

Impluwensiya ni Rizal sa ibang lahi

Dahil na rin sa pangingibang-bansa ng ating mga kababayan at ang pag-aaral ng kasaysayan ng mundo, alam na rin ng ibang lahi ang buhay at pakikipagsapalaran ng ating bayani. May mga monumento at plaque si Rizal sa ilang bansa katulad sa Hong Kong, Europe, United States at Singapore na ipinagmamalaki ng mga Pilipino kapag nakikita nila ito.

Mga aral ni Rizal: Susi sa pagbabago

Ang mga katangian at pangaral ni Rizal sa atin ay isang inspirasyon sa ating lahat. Hindi lingid sa kaalaman ng iba na maaari nating gamitin upang matamasa natin ang pagbabago ang kanyang kontribusyon sa bayan. Kaunlaran ng bansa bago ang sariling kapakanan.

Ating gunitain at alalahanin ang papel ni Jose Rizal sa buhay ng mga Pilipino ngayong ika-150 na kaarawan niya sa June 19. Ating ipagbunyi at ipagmalaki ang kanyang mga kontribusyon niya sa ating kasaysayan at ang pagkamakabayan.

Mabuhay si Jose Rizal! Mabuhay ang Pilipinas!

20 Years after: The wrath of Pinatubo

Dalawampung taon na ang nakalipas mula nang sumabog ang Mount Pinatubo, noong ika-15 ng Hunyo 1991 na bumasag sa pananahimik nito ng mahigit sa 600 taon.

Isa sa mga pinakamalakas at pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa kasaysayan ng mundo at naglakbay sa iba’t-ibang panig ng mundo ang abong ibinuga nito.

Mahigit sa 1,000 ang namatay, at 200,000 tao ang nawalan ng tirahan matapos ang pagsabog at pagragasa ng lahar.

Ang pagkagising at ang bagsik ng Pinatubo

Bago pa man sumabog ang Pinatubo, niyanig ng Magnitude 7.2 na lindol ang Luzon na naging hudyat sa paggising ng bulkan. Nagpakita ng mga abnormal na aktibidad ang Pinatubo simula pa noong Abril 1991. Kaya maagang inevacuate ang mga nakatirang Aeta sa paanan nito. Nagdaan ang mga araw, lalong tumitindi ang aktibidad ng Pinatubo. Sunud-sunod na ash explosions at pagtaas ng volcanic earthquakes kaya nabahala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology at ng base-militar sa Subic at Clark.

Dahil sa pinangangambahang malaking pagsabog, inilikas na ang mahigit 331,000 na katao na nakatira sa 40 km. danger zone at idinala sa mga evacuation zones katulad sa Mount Arayat.

Sumapit ang araw ng Hunyo 15, binasag na ng Pinatubo ang kanyang katahimikan at pinakawalan na sa langit ang mga naipong lakas nito. Mga lumilipad na bato mula sa crater, abo na bumalot sa buong Central at Southern Luzon at ang iba’y nakaabot pa sa North America.

Kasabay ng pagsabog nito’y ang paghagupit ng Bagyong Yunya sa bansa. Kaya ang umaga’y naging gabi na at sinabayan pa ng ashfall. Hangggang sa Mount Arayat at Metro Manila ay nakaabot ang ashfall.

Kaya kinaumagahan ng kasunod na araw ay tumambad sa kanila ang mga abong bumalot sa kalupaan. Mga bumigay na bahay dahil sa bigat ng abo na naipon sa bubong at mga establisyametong lumubog sa lahar.

Sa oras ng sakuna ay pinakita ng mga Pilipino at pati na rin ng mga sundalong Amerikano ang pagtulong sa kapwa. Tinulungan nilang makatawid sa mga ilog na inaagusan na ng lahar ang mga tao at binigyan ng pansamantalang matutuluyan ang iba.

Pagbangon mula sa delubyo

Pagkatapos ng pagsabog, napagpasyahan na ng US naval at air base sa Clark at sa Subic na lisanin na ang lugar dahil natabunan na ng makapal na abo ang kanilang lugar.

Ang crater ng bulkan ay naging lawa dahil sa mga pag-ulan at parang kristal ang tubig kapag nasisinagan ng araw.

Ang mga Aeta at nakatira malapit sa bulkan ay pinagkakakitaan na ang mga iniwang abo nito at ginagamit sa pagpapatayo ng mga bahay o gusali o mga kagamitan sa bahay.

Ang nasirang kagubatan ay pilit na ring ibinabalik ng lokal na pamahalaan para sa turismo ng kanilang lugar.

Matapos ang unos, ang mga biktima ng pagsabog ay meron nang bagong bukas na naghihintay. Kahit ang iba sa kanila’y nawalay na sa kanilang mga minamahal sa buhay, ang pagsabog ng bulkan ay naging hudyat para sa bagong buhay at pag-asenso nila.

Isang bagong pag-asa sa kanilang buhay ang Pinatubo. Nagdala man ito ng katakot-takot na pinsala, nagbigay rin ito ng panibagong buhay.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.